HADES... Nanghihinang napaangat ako ng ulo nang tila may tumawa sa pangalan ko. Sa pagkilos ko nagkalansingan ang mga kadenang nasa magkabila kong pulso. Muli kong narinig ang boses niya mula sa aking isipan. "Who are you?" Ako ay ikaw, ikaw ay ako. Sagot niya. "Anong ibig mong sabihin?" Ako ang tunay mong pagkatao, Hades. Pagak akong natawa. "Hindi ako ikaw, dahil hindi ako isang halimaw." Sa tingin mo ba magagawa mo akong pigilan sa paglabas ko? No one can stop me, even you. Nakuyom ko ang aking kamao. "Ano ba talaga ang gusto mo?" Ikaw at si Alira... Lalo kong nakuyom ang aking kamao. "Hindi siya magiging iyo. I will not let you." Narinig ko ang pagtawa niya sa aking isipan. Mahina ka ngayon, paano mo ako mapipigilan? Hindi ko nakasagot sa tanong niyang iyon dahil kahit man