FRANCHESKA'S POV Nailayo ko nga si Harvey kay Mariel pero may panibago na naman akong karibal. Si Teresa na childhood sweetheart daw ng binata. Kadadating lang from kuwait. OFW siya doon. For me, hindi kagandahan ang babae. Nagdala lang sa kanya ang perpektong hugis ng katawan. Pwede siyang artista sa mga erotic movie dahil ganoon ang dating niya. Cheap. Kanina pa ako out of place. Nagkakasiyahan si Harvey at ang mga kababata niya kabilang nga si Teresa. Nag-iinuman sila. Nandito kami sa fiesta ng kanilang lugar. Isinama ako ni Harvey para hindi daw ako ma-bore sa kanilang bahay. In all honesty, natawa ako kanina nang makapasok sa event place. Gosh! Bakanteng lote lang na pinalibutan ng mga yero para walang makapasok dahil may entrance fee. Alam niyo ba kung magkano? Ten pesos! Lalagya