HARVEY'S POV Mabigat sa loob habang sinisilid ko ang natitirang damit ko sa maleta. Aalis na ako sa bahay na inupahan namin ni Mariel. Nagkausap na kaming dalawa. Hindi niya na rin ako pinigilan pa. Pero nandito sa puso ko ang agam-agam ba baka itago niya sa akin ang anak namin. Ang ideya ko na lang ay ang dalawin sila dito araw-araw. Simula nang magbuntis siya ay may nagbago kay Mariel. Lagi siyang walang kibo. Tulala. At walang ganang kumilos. Akala ko noon dala ng pagbubuntis niya ngunit hanggang sa manganak na lang siya ay ganoon pa rin. Hindi ko siya masisisi. It's like unwanted pregnancy. Bagaman na open up na namin ang tungkol sa kasal ay wala pa sa plano namin ang magkaroon ng anak. Pareho namin napagkasunduan na uunahin muna namin ang aming mga karera. Iyon nga lang, hindi kami

