FRANCHESKA'S POV Sa kabila nang panginginig ko ay pinipilit ko pa rin ang kumalma dahil nagmamaneho ako. Pupuntahan ko si Aldred, balak ko siya sumbatan sa ginawa niya kay Mariel. Nang sumakay na kami ni Moira sa mga sarili naming kotse ay kaagad na naglaglagan ang pigil kong mga luha. Naninikip ang dibdib ko dahil pakiramdam ko nagsisimula pa lang ang gulo and yet hindi ko na kaya. Naiintindihan ko na ngayon si Mariel kung bakit ganito na lang pagkapoot niya sa akin dahil kahit ako man ang lumagay sa puwesto niya ay tiyak maghihiganti rin ako. Sa totoo lang, natatakot ako. Takot na takot. Alam kong magiging kalbaryo na ang mga susunod na araw. But I will protect my parents by all cost. Hindi pwedeng madamay sila sa gulong ginawa ko. Huminto ako sa harap ng isang apartment building.

