FRANCHESKA’S POV Wala akong inaksayahan na panahon, kinabukasan ay nagpa-book na kaagad ako ng flight. Iyon nga lang ay hindi kaagad ako nakakuha nang agaran na lipad pabalik sa America dahil fully booked na ang mga international airlines. Isang linggo pa ang pinakamaagang nakuha ko. Walang kasing sakit ang nasaksihan ko kagabi. Muli na naman dinurog ni Harvey ang puso ko. Pero parang gusto ko nang sakalin ang sarili ko dahil kahit ano’ng pagtataboy ko ay umuukilkil pa rin sa utak ko ang sinasabi ni Harvey na dapat ko siyang pagkatiwalaan. May mabigat na rason ba sa likod nang nangyari kagabi? But whatever reason it is, hindi pa rin katanggap-tanggap ito. Nandoon ako. Nakatayo. Waiting for him to deny the allegations. Umasam ako na lalapitan niya ako pero hindi niya ginawa. Ibig sabihi

