KINAUMAGAHAN, nagising akong wala na siya sa aking tabi. Napabalikwas ako ng bangon dahil naalala kong ngayon na nga pala ang araw na pupuntahan namin ang aking pamilya pero... "Ah! Awww," daing ko at napasapo pa ako sa aking kaselanan nang makaramdam ako ng hapdi. Napatingin ako sa aking katawan na mayroon na palang suot na t-shirt at boxer naman ang suot ko sa ibaba! Paano niya ba ako nasusuotan ng damit na hindi ko man lang namamalayan? Dahan-dahan na akong bumangon kahit mahapdi pa rin at hinang-hina ang aking pakiramdam. Nakita ko pa ang ilang bahid ng dugo sa cover ng kama. Haayst! Mamaya ko na lang 'yan lilinisin! Lumabas ako ng silid at hinanap siya sa buong cavin pero hindi ko siya nakita kaya naisipan ko ng lumabas. Saan naman kaya pumunta 'yon? Nagpamasid-masid ako sa palig