Veronica's POV NAKASIMANGOT si Chronos habang tahimik naming tinatahak ang daan patungo sa lumang gazebo ng school na malapit na sa parte ng elementary rooms. Nang makarating doon, wala pa rin itong imik na umupo at malayo ang tingin. Mataman ko itong pinagmasdan. Umaasa ako na sa pamamagitan niyon, makuha ko ang atensiyon nito. Ngunit bigo ako, nakatitig lang ito sa malayo at bahagyang nakakunot ang noo. "Nakalimutan ko nga kasi," sabi ko sa kaniya habang magkasalubong ang dalawang kilay. Nakita ko itong bumuntonghininga bago sumandal sa malaking kahoy na nasa likuran niya. "Huwag mo akong intindihin," maikli nitong tugon na ikinaikot ng mga mata ko. "Huwag intindihin, paano ko naman gagawin `yon, e hindi mo `ko pinapansin? Kanina ka pa!" Nilingon ako nito at mataman na tinitigan.