Veronica's POV "DAHIL baka hindi na ibalik sa `yo." Ngumiti ito nang malapad matapos magsalita. Iyong hindi normal na ngiti, ito iyong tipo ng ngiting susundan ka hanggang sa iyong bangungot. "Nica?" Biglang bumukas ang pinto ng boarding house at sumabog ang liwanag sa paligid. Mabilis akong lumingon at bumungad sa akin si Lea. "Lea!" tawag ko sa pangalan niya bago muling lumingon, subalit sa paglingon ko, wala na roon si Mia. Hindi na rin ito mahagip ng tingin ko sa kahit saang ako luminga. "Ano bang ginagawa mo dito sa labas? Halika na nga sa loob! Mamaya niyan, kung ano na naman ang makita mo," narinig kong sabi ni Lea. Kumakabog nang malakas ang aking dibdib nang muli akong humarap dito at pumasok sa loob. Mabilis kong sinarado ang pinto at ni-locked ito. Nakita ko si Lea sa har