Veronica's POV SI CHRONOS! Awtomatiko akong nagbaba ng mukha ng dahil sa takot na nararamdaman. Unang beses na nakita ko itong matalim ang pagkakatitig sa akin. Hindi ko alam kung bakit, pero hindi ako sanay. Hindi ako mapakali na ewan. Mula sa braso, hinawakan nito ang kamay ko at hinila ako pabalik sa tapat ng pinto ng bahay. Nang muling magtama ang mga mata namin ay maaliwalas na muli ang mukha nito. Hindi kagaya kanina na parang ang dilim-dilim. "Kanina pa kita hinahanap. Kung saan-saan ka nagpupunta, baka ibang aswang ang makahanap sa iyo." Napasinghap ako sa narinig. Namimilog ang mga matang tinitigan ko ito nang mariin. Ngumiti naman ito at bahagyang tumawa. "Nagbibiro lang ako." Ginulo nito ang buhok ko bago kami nagdesisiyong bumalik sa loob ng bahay. Napapalunok akong umup