Chapter 6 Parang Mali Nag-aayos si mama ng pinagkainan namin. Tinulungan ko siyang ligpitin ang mga pinggan. "Naka impake ka na ba ng mga dadalhin mo Ara?" Bukas na ang alis namin ni Kuya papunta Sta. Rosa. Puro na naman bundok at kalabaw ang makikita ko nito. Tsaka, namimiss ko na rin ang mga pinsan ko doon. Baka naman malibang ako doon kasi malapit na ang fiesta doon. "Opo mama, hindi ba talaga kayo sasama?" Nilagay nito sa lababo ang mga pinggan at hinarap ako. "Anak, kailangan kong itaguyod ang pamilyang ito. Kung magbabakasyon ako wala tayong kikitain." "Hayaan mo ma, magiging isang sikat na model rin ko s