Chapter 10 Akin Ka Ara “Saan ka magka-college kung 'ganon?” Tanong ni Saymon sa kabilang linya. Huminga ako ng malalim at tumingin sa ibaba. Nagkakape si ate at kuya. “Kung saan si kuya nag-aaral.” “Sa Monreal Catholic College?” “Yep!” Narinig ko ang pagpitik ng mga daliri nito. “Sakto, malapit sa amin! Mahahatid sundo kita.” “Di na kailangan no..” “Ara seryoso ako sa panliligaw saiyo..” Binalik tanaw ko ang kinaroroonan nila kuya. Nakatingin na ito sa akin habang sumisimsim ito sa kanyang kape. “Tingnan natin Saymon..” Kinabahan ako bigla at itinago ang aking cellphone. ‘Di alam ni kuya na nakikipag