DALAWANG araw na lang at matatapos na ang activity. Maraming estudyante na ang sumuko at iilan na lang ang natitirang lumalaban. Dahil dito ay hindi na gaanong nakakapagod sapagkat iilang teams na lang ang naghahabol ng gems. Karamihan kasi ay mas pinili na lang na depensahan ang gems na nalikom nila. "This is my heaven," walang ganang sabi ni Tessel nang makaupo siya sa ibabaw ng ugat. Nakatanaw siya sa mga grupo ng estudyanteng naglalaban mula sa malayo. "We should stay like this until the truce." "We can do that, not unless powerful teams decide to strike and steal our gems," sabat ni Aeris habang inililibot ang mata sa kagubatan. "There's one team that we should watch out," dagdag niya. Agad ko namang nakuha ang ibig niyang sabihin. Sa mga nagdaang araw kasi, ang naging dahilan ng