Tumango lang ako at pinuntahan ang bata. Matalim ang tingin nito sa akin pero hindi ako nakaramdam ng kahit na anong takot. “Uno, let’s go? Time to eat dinner.” “Uno, follow your nanny. Your daddy will get mad,” may pagbabantang sabi ni Marie habang inilalagay sa laundry basket ang mga maruruming damit ng bata. Napansin ko ang mabilis na pagbabago sa ekspresyon ng bata. Mula sa matatalim niyang mga titig ay nanlambot ito at nabahiran ng takot. Ni hindi ko na siya kinailangang sabihan pa na bumaba dahil siya na mismo ang lumabas sa kwarto niya. “Gano’n lang, Ligaya. Takutin mo lang ‘yang batang ‘yan; gamitin mo ang pangalan ng daddy niya at susunod ‘yan sa ‘yo,” sabi sa akin ni Marie at ngumisi. Tanging tipid na ngiti lang ang isinagot ko sa kanya bago ko sinundan ang bata. Hindi ko mas

