“So, ano ba talagang nangyari?” tanong sa akin ni Jen habang binabagtas namin ang kalye pabalik sa amin. “Ano?” pagmaang-maangan ko. Karga-karga ko si Eros na nakatulog na sa pagod dahil natagalan kaming umuwi. Namasyal pa kasi kami. “Alam kong may nangyari, Ulan. ‘Yong iyak mo kanina, alam kong ‘di ‘yon dahil sa tuwa,” diretsong sabi niya sa akin bago siya tumigil sa paglalakad. “Ilang taon na tayong magkaibigan, kaya kilalang-kilala na kita.” Nakagat ko ang labi ko. Bumigat na naman ang pakiramdam ko at nag-init ang magkabilang sulok ng mga mata ko. “I…I met him again, Jen.” “Met who?” May kung anong bumara sa lalamunan ko nang babanggitin ko na sana ang pangalan niya. Lumunok ako at huminga nang malalim. “A-Ang ama ni Eros.” “H-Ha?!” bulalas niya. “Paano?” “He’s my boss,” mabili

