Book 2- Chapter 19 Lie To Me Mr. Vander Jilliane Hindi ko mapigilang mag isip habang nakaupo, mag isa lang ako sa dining habang nakatitig sa hawak kong baso na may lamang tubig. Last year masaya naming sinelebrate ng family ko ang birthday ko, pumunta kami sa Minesota at namasyal sa Mall of America, hindi namin malibot ng buong araw ang napakalaking mall na yun bigla ko tuloy namiss sina Mama't Papa, pati si Ate Jessica at Kuya Julius, hindi pa nila ako binabati pero sabagay magkaiba naman ang oras sa Pilipinas at New York. Dahil sa kawalan ng magagawa sinubsob ko na lang ang ulo ko sa lamesa, try kong dito sa dining nalang matulog para maiba lang. "Ang laki-laki ng kuwarto mo sa itaas kung inaantok ka bakit hindi ka pa umakyat?" "Huh!" Nanaginip ba ako? Pero kakapikit ko lang eh.