Pagkatapos naming mag usap ni Brix ay naghiwalay narin kami ng landas, meron pa daw itong mga aasikasuhin sa The Vander Suites at isu- surprise daw niya yung future girlfriend niya na pabalik na galing ng California. Ang saya-saya niya habang sinasabi iyon halatang inlove na inlove siya. Sayang kung pinahalagahan lang ni Criselle ang pag ibig ni Brix sana sila parin hanggang ngayon pero hindi mo talaga masasabi ang buhay may aalis at may darating ang mahalaga naman talaga dun kung anong makapagpapasaya sayo ay yun ang piliin mo at the end of the day ikaw lang naman ang pipili ng magiging kapalaran mo. Nakabili rin ako ng thank you gift kay Drake kaya dumiretso na ako sa opisina nito sa GLM Tower. " Nandito ba si Drake ngayon? " Tanong ko sa secretary niya kailangan ko munang dumaan sa