MAGKAHAWAK KAMAY na pumasok si Caleb at Cassian sa loob ng compound ng bahay ng magkapatid. Naging abala sila sa kanilang bakasyon at matagal na mula ng huli silang nagkasama-samang kumain. They missed their sons, so they came to visit. Sana lang makauwi ang isang anak nila rito. Napatigil si Caleb. “Rogue…” he whispered. Nagkatinginan silang dalawa ng kapareha saka nagmamadali silang pumasok sa kabahayan. Dumeretso sila sa kusina at pareho silang natigilan nang makita ang isang babae na nasa harapan ng kalan at nagluluto habang ang kanilang anak ay prenteng nakaupo at nagbabasa. “Dad! Papa!” Mabilis na tumayo si Cole nang makita niya ang kaniyang dalawang ama. Hindi niya inaasahan ang pagdating ng mga ito. Nilapitan niya ang kaniyang mga ama at niyakap. “Hi, Dad. Hi, Pa.” He greeted th

