Chapter 4

2146 Words
Chapter 4 LARA'S POV Ilang oras na naka-upo si Lara sa malambot na kama at yakap-yakap ang sarili. Mag-isa na lamang ako sa silid, aligaga at napaka-lalim ang kaniyang iniisip. Maraming tumatakbo sa aking isipan na hindi ako makapag-isip nang matino. Sa tuwing pini-pikit ko ang aking mga mata naalala ko ang bawat sandaling ginawang pag pipilit muli ni Calix na sipingin ako sa kama na ayaw ko nang alalahanin pa. Narinig ko ang mahinang katok sa pintuan na mabalik ako sa realidad. "Mam? Pinababa na po kayo ni Sir Calix at mag aalmusal na daw po kayo." Nabalot nang katahimikan si Lara, na ayaw kong sagutin ito. Gusto ko na lamang bumalik sa mahimbing na pag kakatulog at patay malisya na hindi ko na lang narinig ang sinabi nito dahil ayaw ko talagang harapin si Calix. Ayaw kong harapin ang nakaka-takot na itsura nito. "M-Mam Laura? Mam?" Pag tawag nitong muli sa aking pangalan na alam kong, hindi nito ako tatantanan. "S-Sige b-bababa na ako." Matagal ako bago sumagot dito. "Bumaba na lang po kayo Mam, kapag ready na po kayo." Paalala nito at sunod ko narinig ang yabag ng mga paa nito paalis. Bumangon na din si Lara sa kina-hihigaan at hinayaang malaglag ang malambot na puting kumot na naka-takip sa aking kahubaran. Tumungo na ako sa wardrobe para pumili ng damit na maisusuot at simple lamang ang napili ko. Hindi na ako nag tangkang maligo dahil ayaw sa lahat ni Calix ang pinag-hihintay ito. Bumaba na ako at sinalubong naman kaagad ako ng matamis na ngiti at bati ng mga katulong. Naabutan ko si Calix na tahimik na kumakain sa hapag-kainan. Naka- suot na ito ng damit pang Opisina at natatakot pa rin si Lara sa presinsiya nito. Walang imik itong kumakain, at naka-kunot ang noo na para bang galit na naman ito sa mundo. Buong ingat akong umupo sa bakanteng silya sa harapan lamang nito at umiiwas na maka-gawa muli ng kahit katiting na pag kakamali sa harapan nito. Naka-handa na rin ang magarbong almusal na matatakam ka talagang tikman lahat nang iyon, pero kahit gaano pa ito kasarap hindi pa rin mapapantayan ng takot sa aking puso na kaharap ko lamang si Calix. Simula na akong sumandok at pinag-mamasdan ko lamang si Calix na tahimik na kumakain sa harapan ko. Kagat-labi pa ako ng puntong iyon at tagaktak ang butil ng pawis sa aking noo dahil sa labis na kaba at takot. Alam ba ni Calix? Alam ba nito na hindi ako ang totoo nitong asawa? Mag-isip ka nga Lara! Saway ko naman sa aking isipan. Kong alam ni Calix, na hindi ikaw si Laura, baka kanina ka pa niya pina-alis. Baka kanina pa ito galit na galit sa akin. Pero hindi eh. Nanatili lamang itong kalmado sa harapan kong kuma-kain nang agahan. Hindi kaya nag papanggap lamang ito na wala itong alam? Iniisip ko pa lang ang bagay na iyon, pinag-hihinaan talaga ako nang husto. "What?" Nanigas ang aking katawan ng umanggat ito ng tingin at mga matang walang bahid ng emosyon. Umatras ang laway ko at nakaka-takot pag maasandan ang mata nito. "Bakit hindi ka pa kumakain? Anong gusto mo subuan pa kita?" Iritadong tinig nito. Umiwas na lamang ako ng tingin at binaling ko ang atensyon ko sa kina-kain. Mahirap na at baka ako pa mabuntungan ng galit nito. Pero hindi talaga ako mapakali. Gusto kong malaman kong may alam ba talaga si Calix. Nag ipon muna ako nang lakas na maitangon ko ang bagay na iyon sakaniya. Syempre tyenempo ko talaga na hindi ito magagalit sa aking tanong. Ilang minuto nag tatalo ang aking isipan kong itatanong ko pa ba iyon, o ititikom ko na lang ang aking bibig. Pero hindi ko talaga kaya. Mababaliw ako kakaisip, hangga't hindi ko maitanong ito sakaniya. "C-Calix?" Sa wakas nagawa ko rin ibuka ang aking bibig at tawagin ang pangalan nito. Ewan ko na lang kong narinig niya ba iyon, dahil sobrang hina nang aking boses. Siguro parang utot lang iyon, na hindi mo mapapansin. "What?" Nanumbalik na naman ang kaba ng aking puso. s**t narinig niya nga. "Ano i-iyong sinabi mo sa akin kagabi bago ka n-nawalan nang malay?" Bawat salita ko nag kakada buhol-buhol na talaga. "Hindi ako mang-huhula para hulaan ang ibig mong sabihin Laura!" Ito na naman po siya sa exclamation point sa huling salita na bini-bigkas nito. Mapuputol ang aking hiningga sa labis na kaba na hindi na ako mapakali sa aking kina-uupuan. "Iyong kagabi na may nangyari sa ating d-dalawa. Iyong sinabi mo no'ng lasing k-ka." Kulang na lang mapa-talon ako sa gulat nang inis na nilapag ni Calix ang hawak nitong kubyertos sa lamesa at naka-gawa iyon nang nakaka-takot na tunog. "Really now Laura? Pag-uusapan pa ba natin iyan?" Naging mabigat ang pag-hingga ni Calix, at unti rin napawi ang galit sa mga mata nito. "Wala akong maalala." Kumunot ang noo ko sa sinabi nito. The hell? Walang maalala? I mean nag ka amnesia ba ito? "Nag black out na ako kagabi, hindi ko na nga alam kong paano ako naka- rating sa silid natin." Hindi na ako kumibo dahil mabuti na iyon na wala siyang maalala talaga, na hindi nito alam na hindi talaga ako ang kaniyang asawa. "Bilisan mo na ang kumain dahil may pupuntahan tayo." "Huh? Saan?" "Talagang dito ka lang sa bahay at wala kang gagawin!?" Puno nang-uyam ang tinig nito. Bakit parati na lang ito galit? "You might forget that you work for my company. Napapa-bayaan mo na ang naiwan mong trabaho sa kompaniya, dahil ilang buwan kana hindi pumapasok dahil sa mga kalokohan na pinag-gagawa mo dahil parati kang tumatakas.. Baka gusto mong ako pa ang gumawa nang naiwan mong trabaho at mag hilata ka lang dito sa bahay buong mag-damag?" Kinagat ni Lara ang ibabang labi. Aba malay ko ba sa punyetang trabaho na iyan sa kompaniya? Simula no'ng tumuntong ako sa pamamahay na ito hindi ko naman alam na nag tra-trabaho pala si Ate Laura sa mismong kompaniya ni Calix, at wala rin naiku-kwento ang kakambal ko tungkol doon. Ilang buwan na nga ba ako sa Mansyon ni Calix? Hindi ko na maalala kong ilang araw na ba ako namalagi sa bahay ni Calix. Wala rin naman akong cellphone dahil binasag na ni Calix ang naiwang cellphone ni Ate Laura no'ng nag tangka ako noong tumakas. "Bilisan mo na ang kilos mo!" Huling salita na aking narinig kay Calix bago ito padabog na iniwan ako sa dining. Yawa ka talaga. Yayain mo akong sabay tayong kakain sa hapag-kainan tapos iiwan mo akong mag-isa dito? Putragis talaga! Bago paman makapag-bato ng salita si Lara kay Calix, nawala na ito sa aking paningin. Punyeta, asan na iyon? "Mam?" Sulpot na tinig sa tabi ko. "Oh bakit? Ano na naman ba?" Padabog kong tinig na kina-bigla nang katulong ang aking naging sagot. "P-Po, sorry Mam." Nag vow ito sa harapan ko na para bang sila pa ang naka-gawa nang pag-kakamali. "Sorry nagulat lang ako. Bakit?" Sinapo ko ang aking mukha. Kalmahin mo lang ang sarili mo Lara. Pero paminsan talaga, nakaka-bwisit naman kasi si Calix sigaw nang sigaw. Akala mo naman mga binggi ang kaharap nito. Kong ako lang talaga, ang tatanungin gusto ko ng patulan si Calix paminsan, pero kailangan kong bakit mabait at mag mukhang anghel sa harapan nito para hindi ako mabisto- na nag papanggap lamang ako. Nakaka-irita lang kasi dahil hindi ako maka-patol kay Calix dahil napaka-dilag anghel naman kasi ang character ni Ate Laura na ang hina-hina, na parati na lang inaapi ng ibang tao. "Pina-pabigay po sainyo ni Sir." Inabot sa akin ang paperbag na kina-kunot naman ng aking noo. "Kailangan niyo daw maligo at mag handa dahil papasok po kayo ngayon sa trabaho." Pucha naman. Wala ka sa usapan na ngayon na ako mag sisimula sa kompaniya na iyan? Gusto ko sanang mag-maktol sa galit, pero isang pekeng ngiti na lang ang sinagot ko dito. Nang matapos na akong mag-almusal, umkyat na ako sa silid naming dalawa ni Calix para maka- ligo na. Tinulungan na ako nang katulong na mag ayos at magbihis. Kina-launan Isang fitted white stripes with black ang suot kong skirt na above the knee ang haba no'n. Tinernuhan namang ng black longsleeve v-neck top ang suot ko at pares na itim na sandals na 3 inches ang taas no'n. Ito rin ang struggle ko sa pag suot ng high heels dahil hindi ko talaga kayang suotin iyon talaga. Hinayaan ko lang naka-lugay ang mahaba kong buhok at kinulot pa ng katulong bahagyang laylayan kaya't dagdag appeal na rin iyon. "Kailangan ba talaga ito? Pwedeng huwag mo na ako lagyanan ng ganiyan? Napaka-init sa mukha kaya." Maktol ko na inaayusan ako ng katulong ng make-up sa mukha. Nag lalagay naman ako ng mga gano'n pero sa mga mahahalaga lamang na okasyon. "Si Mam talaga palabiro. Hindi po kayo umaalis nang walang make-up kaya." Ngumiti ng ubod ng tamis sa akin ito. Ha? Si Ate Laura nag susuot ng make-up? Eh napaka-manang niya kaya niya na kahit nga mag paganda wala din itong kauru-interes. Hinayaan ko na lang ang katulong na gawin ang gusto nitong gawin sa mukha ko, pero infairness dahil may alam naman ito sa pag mamake-up. Nang matapos na ako mag handa bumaba na ako at pag labas ko naroon ang itim na sasakyan na naka-parada lamang sa labas na mukhang iyon na siguro ang service ko papunta sa kompaniya ni Calix. Mabuti naman at nauna nang umalis si Calix, para naman hindi ko makasama sa iisang sasakyan ang mokong na iyon. "Good morning Mam Laura." Salubong sa akin ng bati ng butler ng maka-labas ako. Isang ngiti na lang sinagot ko at pahirapan pa talaga akong mag lakad dahil sa suot-suot kong heels. "Kuya ano? Ikaw ang mag hahatid sa akin sa kompaniya ng asawa ko?" Tumango naman ito bilang sagot. "Mabuti naman para hindi ko na makita ang pag mumukha ng mokong na iyon." Binuksan nang butler ang pintuan at dumiretso naman akong pumasok na kina-kausap pa din ang butler. "Lintik naman talagang Calix na iyan! Kapag talaga ako nirayuma sa heels na pinasuot niya sa akin, sasakalin ko talaga siya nang bongang-bonga!" Maktol ko pa at lumapat ang aking likod sa upuan sa backseat. Nang maka pasok na ako sa sasakyan para na akong hihimatayin ng mapag-tanto na hindi lamang ako nag-iisa sa backseat. Nanigas ang aking leeg at dahan-dahan na tinignan kong sino ang katabi ko. Pakiramdam ko nawala ang dugo sa aking katawan nang makita si Calix na perinting naka-upo sa kabilang dako ng backseat at ang mga mata nito'y umaapoy sa galit. Namutla ang aking mukha, at parang gusto ko na lamang mag palamon ng buhay. Jusko dhay! Narinig niya lahat ng mga pinag-sasabi ko sakaniya? .huhu helpp. Binaling na lang ni Lara ang tingin sa bintana ng sasakyan at unti nang binuhay ang makina ng sasakyan at umandar na ito. Hindi ko tinangkang tignan ang kaliwang bahagi ko dahil damang-dama ko ang matalim at tagos na pag-titig sa akin ni Calix. Ilang minuto ang tinagal nang byahe at sa loob lamang ng ilang minuto, parang katabi ko na si kamatayan. Walang imik lamang si Calix sa buong byahe na wala akong narinig na kahit katiting na tinig mula sakaniya. Doon ako kinakabahan dahil sa pagiging tahimik lamang nito. Dahil naiipon lamang ang galit nito kapag hindi nito nailalabas. Ilang santo na ang aking tinawag. At natapos ko na ang rosary, sa buong byahe namin at nag darasal na hindi magalit sa akin si Calix. Mga ilang sandali lamang at huminto na ang sasakyan at natapat na pala kami sa kompaniya ni Calix. Pinag buksan na kami ng pinto at nauna nang lumabas si Calix, samantala naman ako? Kumakabog ang aking mga tuhod, hindi ko alam kong makakaya ko pa bang ihakbang iyon dahil lamang sa tensyon at takot. Sumalubong sa akin ang napaka-laki at taas na building sa harapan ko. Ito na siguro ang kompaniya ni Calix. Nag lakad na si Calix papasok sa kompaniya at naka-sunod naman ako sa likuran nito na kahit pahirapan pa talaga ako sa suot kong heels. Sa likuran ko dama ko na naka-sunod ang mga tauhan ni Calix at maganda ang kanilang kasuotan. Huminto si Calix at dire-diretso lamang si Lara mag lakad hanggang nabunggo ako sa malapad na likod nang aking asawa. Ay hindi asawa pala ng kakambal ko. Napa-ngiwi na lang si Lara dahil hulmang hulma ang puti ng foundation na bumakat suit ni Calix dahil sa pag kakabangga ko lamang sa likuran nito. Tangka ko sanang pupunasan iyon pero humarap ito sa akin. Hinakbang ni Calix ang paa sa harapan ko at nilapit ang mukha nito sa akin. Nag katitigan kaming dalawa at hindi ako naka-ligtas sa mga mata nitong bahid ng galit at nakaka-takot. Ano na naman ba ang nagawa kong kasalanan at galit na galit na naman ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD