Chapter 1
Lara's POV
Nagising ako sa maliwanag na hangin na dumapo sa aking balat. Unti-unti kong minulat ang aking mga mata at sumalubong sa’kin ang napaka tahimik na silid naming dalawa ni Calix. Umupo ako sa malambot na kama, at hawak-hawak pa rin ang putting kumot na, naka takip sa hubo’t-h***d kong katawan.
Doon ko na lamang napag-tanto na ako na lang pala mag-isa sa silid. Naka ramdam ako nang lungkot ng sandaling iyon.
Nakita ko ang wardrobe sa isang tabi, at tinatanggay ng hangin ang putting kurtina sa bawat pag ihip ng hangin.
Pinikit ko ang mata ko, at naalala ko naman ang mga pangyayari kong ilang beses akong pinahirapan at ginamit ni Calix sa kama.
Tinatalik niya ako nang marahas at walang bahid ng pag-iingat.
Hindi niya pinapakinggan ang bawat pag-iyak at pag mamakaawa ko sakaniya.
Pagod na pagod na ako.
Pagod na pagod, na parati na lang ganito ang umiikot ang aking mundo.
Kung hindi niya man ako sasaktan,
Papahirapan niya lamang ako sa kama, hanggang sa mag-sawa siya.
Ganun naman ang papel ko sa buhay niya, isa lamang parausan.
Bakas nang lata at pasa ang aking katawan sa bawat pag lalaban ko sakaniya. Kapag naka gawa lamang ako ng pag kakamali, paparusahan niya lamang ako, na para siyang nakaka takot at mabangis na hayop na anumang oras susugod sa’yo.
Ilang beses ko na rin tinangkang tumakas, pero hanggang ngayon hindi pa din ako nakaka alis sa lugar na ito.
Kinuha ni Calix ang cellphone ko, at hindi niya ako hinayaang maka hawak nang telepono kaya’t hindi ako maka hinggi ng tulong kahit na sino.
Kumabog ang puso ko sa labis na takot, na bumukas ang pinto nang silid na tanda na may pumasok.
Natatakot ako muli na baka si Calix na naman iyon.
Natatakot akong saktan niya na naman ako.
Siniksik ko pa ang aking sarili sa headboard nang kama at tinakip ang putting kumot para hindi ko masalubong ang nakakatakot nitong mga mata.
“Mam Laura? Mam?” Nanginig kong sinilip kong sino iyon.
Tila ba nabunutan ng tinik ang dibdib ko nang makita ko si Marta, na naka masid sa’kin. Kahit na rin siya nahihiwagaan kong bakit ganun na lang ang naging reaksyon ko.
“Okay ka lang po ba Mam?” Inosente nitong sambit at inalis ko ang kumot na naka takip sa aking mukha. Inosente niya ako tinitigan.
"Pasensiya na po kong nagulat ko po kayo. Nandito lang naman po ako, dahil pinapatawag po kayo ni Sir Calix sa ibaba. Kakain na daw po nang umagahan.” Anito na napa-kurap ako sa sinabi nito.
Ha?
Ako?
Niyaya nang mokong na iyon mag-almusal?
Ano naman kaya ang masamang espiritu ang sumapi sakaniya para yayain niya akong kumain?
Dati-rati, wala naman siyang paki-alam kahit hindi ako sumabay sakaniya kumain.
“Mam?” Pukaw nito.
“Ha?” Saad ko at sinuklay ko ang buhok ko gamit ang palad ko.
“Oo, sige susunod na ako. Mag bibihis lang ako saglit. Pwede mo na akong iwan.” Nag vow lamang siya sa’kin at nag lakad na siya paalis sa silid.
Nang ako na lang mapag-isa sa silid. Bumaba na ako sa kama at hila-hila ko pa din ang kumot na naka takip sa aking kahubadan. Kinalaunan pinili ko na lamang na suotin ang isang mahabang damit at pants na nasa wardrobe ni Ate Laura, mabuti na rin iyon para ikubli ang pasa at lata sa aking katawan. Balot na balot na ang aking katawan, na naiinitan ako sa kapal ng tela na kahit kamay at binti mo hindi masisilip sa ganitong fashion ng damit ng kaniyang kakambal.
Nahihiwagaan pa din talaga ako kong bakit ganito ang fashion at paraan ng pag susuot ng damit ng kaniyang kakambal.
Nag hilamos na lamang ako, at mamaya na siguro ako maliligo, at mahirap na at baka mainip pa ang binata kakahintay sa’kin.
Pinaka-ayaw niya pa naman sa lahat ang pinag hihintay siya. Hinayaan ko lamang na naka lugay ang mahaba at medyo wavy kong buhok, na hanggang baywang ang haba. Hindi na ako nag lagay ng kolorete pa sa mukha, at napaka putla na nang aking labi, dahil kahit mismo ang kakambal kong si Ate Laura hindi talaga ito nag susuot ng make-up o kong ano pang pang papaganda sa mukha nito. Kailangan ko pa din umakto at kumilos bilang si Laura sa bahay ni Calix para hindi nila ako mahalata.
Asan kana Ate Laura?
Bakit ang tagal mong bumalik?
Bakit mo ako iniwan?
Bakit hindi mo na ako binalikan?
Hanggang ngayon wala pa din akong balita kong anong nangyari sa aking kakambal.
Gusto ko din siyang hanapin, pero paano?
Paano ko siya hahanapin kong kahit na rin ako hindi ko alam kong saan ako mag sisimula?
Suot ko ang tsinelas na pang bahay, nag pakawala na lamang ako ng malalim na buntong-hiningga bago, lumabas na ako sa silid naming dalawa nang binata.
Bumaba na ako sa unang palapag.
“Good morning Mam Laura.”
“Good morning Mam.”
Iilan lamang iyan sa mga katulong na bumabati sa’kin, nang maka salubong ako. Simpleng ngiti lamang ang aking sinagot. Sa ilang linggo na pananatili ko sa bahay ni Calix, unti-unti ko ng natutunan ang pamamaraan ng pag sasalita ni Ate Laura, na hindi pala ito palaimik at bibira mo lang maka-usap, ayun lamang iyon sa ilang katulong na narinig kong nag-uusap sa kusina.
Rinig ko pa, na napaka hinhin ng pananalita nito at napaka-bait ng aking kakambal, na kahit ibang tao na ang naka gawa ng kasalanan dito. Si Ate Laura pa din ang humihinggi ng pasensiya at pag-unawa sa ibang tao.
Patuloy akong nag lakad hanggang dinala ako nang aking mga paa papunta sa dining area.
“Good morning Mam.” Bati ni Sir Wilfredo, ang lalaking butler sa mansyon. Naka suot siya ng white longsleeve at porma nang kaniyang kasuotan.
“Nasa loob na po si Sir Calix, at hinihintay po kayo,” anito at binuksan niya ang malaking white na pintuan, na nag kokonekta papunta sa dining area.
Pag bukas niya nang pintuan, bumunggad sa’kin ang napaka lawak na dining area. Cream and black combination ang dining room. Nag kalat din ang glass black painting sa bawat paligid at mga mamahaling furniture. Kahit ilang linggo na ako naka tira sa Mansyon ni Calix, hindi ko pa rin maiwasan na mamangha sa taglay na ganda ng kaniyang bahay, na kapag naka-apak ka talaga sasabihin mong dinala ka sa isang palasyo sa lawak at ganda no’n.
Sa gitna naman naroon ang black glass na table at white chair. Naka lagay din sa table ang sariwang mga flower arrangement na mag patingkad nang silid at Chandelier, sa tapat ng dining.
Kinagat ko ang aking ibabang labi, para pakalmahin ang aking sarili nang mag tama nang aming mga mata ni Calix. Naka suot siya ng dark black office suit, napaka lamig at seryoso ang pinukulan niyang titig sa’kin. Napaka kapal nang kaniyang kilay, kulay brown din ang kaniyang mga mata, matangos ang ilong, pero kahit ganun napaka guwapo niyang taglay na mag lalaway ka talaga nang husto. Tumubo na rin ng konti ang kaniyang balbas, ang lakas pa rin ng kaniyang charisma at tanging taglay.
“Tatayo kana lang ba diyan!?” Kulang na lang mapa lundag ako sa seryoso at nakaka takot niyang tinig.
“O-Oo,” umupo ako sa bakanteng silya na may distansya lamang sakaniya.
Namangha pa ako nang tuluyan ng makita ang magarbo at masasarap na mga pagkain na naka lapag sa table. Mabubusog ka pa lang, sa amo’y no’n.
Sinimulang sumandok ng kanin at ulam sa hapag-kainan. Sa una alangan pa akong sabayan si Calix na kumain dahil hindi talaga ito normal para sa’kin.
Normal na makasabay siya na kumain.
Sabay na kaming kumain, at tangi na lamang na inggay na maririnig mo ang ingay ng kubyertos. Kulang na lang mapanis na ang laway sa lalamunan ko, na hindi man lang kami nag uusap at nag kikibuan. Mabuti na rin naman iyon para sa’kin kaysa magalit na naman ito.
Bawat galaw at pag subo ko ng pag-kain, pawang pag-iingat na hindi maka gawa ng pag kakamali sa harapan nito. Palihim kong sinulyapan si Calix na tahimik na kumakain, na tila ba wala siyang kasama niya ako tratuhin.
Bakit ba nakapaka lamig ng mokong na ito?
Ngayon alam ko na ang dahilan kong bakit ayaw sakaniya ng kapatid ko na si Laura, dahil nuknukan siya ng sama.
Napaka sama ng ugali na wala itong pakialam sa ibang tao sa paligid nito.
“I don’t want to hear again that you keep on doing nonsense while im not at home!" Umalingawngaw ang nakaka takot na tinig nito sa naturang silid. Ano daw?
Umanggat ako ng tingin at pakiramdam ko nanuyo ang laway sa aking lalamunan ng mag tama ang titig naming dalawa.
Sandali, ako ba ang kina-kausap ng mokong na ito?
Obvious ba Lara?
Mag-isip ka nga.
Kayo lang naman dalawa ni Calix sa loob ng dining, ikaw lang naman ang pinag sasabihan niya!
“Understood?”
“O-Oo Calix.” Hindi pa din nag babago ang expression at wala ito sa sarili na tumayo sa kina-uupuan at iniwan akong mag-isa sa dining area.
Sandali.
Anong nangyari sa mokong na iyon?
Iyon na iyon?
Akala ko sabay kaming kakain?
Pero bakit bigla-bigla niya akong iiwan mag-isa sa dining?
Huli ko na palang nalaman na naka alis na pala si Calix papunta sa kompaniya ng matapos ako mag almusal. Meron itong kompaniya na pinapamahala at siya ang may-ari lang naman pero hindi pa ako naka punta doon. Wala naman akong balak na alamin pa ang bagay na iyan at mga bagay na pinag kakaabalan niya sa buhay dahil aalis din naman ako dito.
Hindi naman ako tatagal sa pamamahay na ito.
Nag libot-libot lamang ako sa Mansyon at pinag mamasdan ang iba pang mga katulong na abala sa kanya-kanyang ginagawa.
“Manang Isay,” kaway ko sa mayordoma sa Mansyon ng dumaan ito na may mga bibit na mga babasagin na mga plato.
“Ano iyon Mam Laura?” Tumigil ito saglit at inagaw ko sa matanda ang ilan sa dinadala nito.
“Tulungan ko na po kayo. Saan ko po ito dadalhin sa kusina po ba?” Kulang na lang mapunit ang lawak ng aking labi. Na bo-bored na din ako na wala naman ako masyadong ginagawa sa napaka laking Mansyon ng binata.
Sawang-sawa na rin ako makipag patintero sa mga guards at mga tauhan ni Calix sa tuwing tumatakas ako, dahil wala naman akong napalala.
Parati lang naman nila akong nahuhuli.
“Huwag na Mam, ayos lang po ako.” Inagaw nito ang hawak kong pinggan.
“Gusto ko lang maka tulong Manang, hayaan niyo na akong tulungan kayo. May gagawin pa ba kayo? Tulungan ko po kayong mag linis basta bigyan niyo lang ako ng mapag aabalahan ngayong araw.” Naka nguso kong saad. Despirada na talaga ako sa labis na pag kabagot. Bumaling ako sa isang gilid at nakita ko si Lilith na abala na nag mo-mop sa gilid lamang naming dalawa ni Manang.
“Lilith, amin na. Ako na ang gagawa niyan.” Hinawakan ko ang mop, na labis naman ang pag kabigla ng hinawakan ko iyon, pero mabilis na inagaw sakin ni Lilith ang mop.
“Bawal po Mam. Ang mabuti na lang maupo na lang kayo at mag pahingga.” Pag papasunod nito sa’kin. The heck?
"Hayaan niyo na lang na kami ang gumawa ng mga gawaing bahay dahil iyon ang aming trabaho.”
“Eh anong gagawin ko?” Pabaling-baling na tingin ko kay Manang at Lilith.
“Mag pahingga ka po Mam, gaya po ng ginagawa niyo araw-araw.” Sambit ni Manang na mapa nga-nga ako. Ano daw? “Ayaw namin na mapagod ka dahil baka naman kami ang mapagalitan ni Sir Calix, kapag hinayaan ka naming mag trabaho sa bahay.”
“G-Ganun?” Napa bulalas kong tinig.
“Ang ginagawa ko buong mag hapon ay ang maupo lamang?”
“Opo Mam.” Taas noong tinig ni Manang na mapa-ngiwi na lamang ako. Ganun-ganun na lang iyon?
“Nakakapanibago ata na ngayon na gusto niyo mag linis at tumulong sa’min… Ayos lang po ba kayo? Wala naman siguro kayong lagnat diba Mam?” Paniniguro nito, at peke na lamang akong ngumiti sakanila.
“H-Hindi wala naman. Na-bobored talaga ako Manang na wala akong ginagawa. Paulit-ulit na lang ang ginagawa ko buong mag hapon.” Pag rereklamo ko sakanila. Kain-tulog lang naman ang kinakain ko dito na hindi ako sanay na ganun na lamang umiikot ang aking mundo.
“Ganun po ba? Gawin niyo po ang dati niyong hobby Mam ang mag knitting o mag crochet sa inyong silid. Iyon kasi ang madalas niyong ginagawa?” Ano? Hindi ako marunong no’n.
“Eh kong tumakas muli ako, para hindi ako gaano ma- bored?” Suhesyon ko, na mamutla ang kanilang mukha sa labis na takot at pagkagulat sa sinabi ko. “Joke lang. Ito na mag knitting na ako sa aking silid,” walang buhay kong tinig at nag lakad na ako para iwan sila sa sala, patungo na lamang muli ako saaking silid.
Anong gagawin ko neto?
Kahit alin sa pag knitting or pag crochet ay hindi ako marunong.
Lara's POV
Nagising ako sa malamig na hangin na tumama sa aking balat. Ginala ko ang aking tingin at napaka dilim ng bawat paligid na tanging lampshade na lang ang bukas na ilaw, pero hindi pa din sapat na mapag masdan ko ang paligid.
Kinusot ko ang aking mata na maupo sa malambot na kama, at doon ko na lang napag tanto na ako na lang mag-isa nang gabing iyon na lalo pang maka ramdam ko ng takot sa aking sarili.
Anong oras na ba?
Nanlaki ang aking mga mata ng makita na pasado ala-una na nang madaling araw. Huli kong natatandaan na katabi ko si Calix kanina pero asan na naman kaya ang mokong na iyon?
Bumaba ako sa kama at suot ko ang tsinelas. Tanging silk na sleeveless ang aking suot na makita ang magandang hubog ng aking katawan. Nag lakad na ako palabas ng aming silid.
“Calix?” Tanging napaka tahimik na silid ang sumalubong sa akin. Patuloy kong tinatawag ang pangalan ng binata pero hindi ko siya mahagilap ng aking mga mata.
Konti na lang ang naka bukas na ilaw sa paligid at napaka tahimik na dahil tulog na ang mga katulong dahil napaka lalim na din nang gabi. Hinahanap ko siya sa sala, kusina, sa Opisina nito pero kahit anino neto hindi ko makita.
Mag tatanong-tanong na lang ako sa guards at ibang bantay kong asan si Calix.
Dumaan ako sa likod ng bahay at napa yakap ako ng sumalubong ang napaka lamig na hangin na nanunuot sa aking kalamnan. Napaka nipis naman kasi ng damit na aking suot, kaya ako naka dama ng lamig bigla.
"Calix? Calix?” Tawag ko pero wala pa din akong nakuhang sagot.
Patuloy lamang ako nag lalakad sa madilim na bahagi ng likurang Mansyon at kahit mga guards at katiwalaang mga tauhan ni Calix wala akong makita.
Asan kaya silang lahat?
Saan sila pumunta?
Dati-rati makikita mo kaagad ang mga guards na nag roving at nag babantay sa labas, nakakapag taka ata na wala akong makita kahit ni-isa sa kanila.
Kinagat ko ang ibabang labi at patuloy lamang akong nag lalakad, hanggang sa dinala ng aking mga paa sa malayo at tagong lugar, na malimit ko lamang puntahan.
Asan kaya ang mokong na iyon?
May nahagip akong pamilyar na bulto at ilang mga armado na mga lalaki sa tago at madilim na bahagi na lugar. Nakakatakot ang kanilang itsura na para silang mga nakaka takot na nilalang na dapat mong iwasan na banggain at may mga hawak silang mga b***l at armas. Sandali anong meron?
Bakit sila nag tipon-tipon dito?
Sa isang bahagi naman naka tayo ang matangkad at magandang pangangatawan ng isang lalaki na naka suot itong marangyang kasuotan, na walang bakas na emosyon ang gumuhit sa mata nito.
“C-Calix,” kakaway na sana ako para makita nila ako pero bigla akong natigilan.
Bitbit ng isa sa mga kasamahan ni Calix ang isang taong naka gapos ang kamay nito at may naka takip na tela sa kaniyang ulo.
Pinaluhod nito ang nakuha nilang hostage sa harapan ni Calix,
Inalis ng isa sa mga kasamahan ni Calix ang tela at tumambad ang duguan at bugbog sarado na lalaki. Mabilis akong tumago sa malaking pader para hindi nila ako makita. Anong nangyayari?
Bakit may ganito?
Nabalot ng kaba at takot ang aking puso na hindi ko maipaliwanag kong bakit naka gapos at puno ng dugo ang kaawa-awang lalaki.
“N-Napaka hayop mo! You’re gonna pay for this Calix!” Asik ng lalaking duguan.
“Sisiguraduhin ko sa’yong mabubulok ka sa impyerno pag katapos nito!”
“This time you should ask me to spare your life, but indeed your still brave. You amaze me Mr. Dela Torre,” nakakapandig balahibo na tinig ni Calix at hinakbang nito ang paa palapit sa duguan na lalaki, na walang magawa at ipag laban ang kaniyang sarili dahil naka gapos ang kamay nito. Sa gilid nito naman naka tayo ang armado at nakakatakot na mga tauhan ni Calix na may hawak na b***l.
“Hindi ako natatakot sayong hayop ka. Mag handa kana, dahil sa pag kakataon na ito, hinahanap na ako ng pamilya ko! Gagantihan ka nila, at pag nangyari ang bagay na iyon, papatayin ka nila! Tandaan mo iyan!” Matapang nitong tinig
“Really? Gustong-gusto ko nga iyan eh!” Nilabas ni Calix ang b***l at tinutok ang b***l sa noo nito. Calix’s eyes were burning with anger and he refrained from hurting the man in front of him
”Hihintayin ko sila at iisa-isahin ko silang papatayin! Simulan ko na ba sa mag-ina mo?”streaks of shock and fear drew the b****y man to what Calix had said.
“Napaka hayop mo! Putangina! Napaka demonyo mo Calix!” Sumilay ang nakaka lokong ngiti sa labi ng binata.
“Do you want to see what a real demon is?” Pag hahamon nito at hinigpitan ni Calix ang pag hawak sa b***l.
Umalingawngaw ang nakaka takot at bingi na putok ng b***l, at kasabay na bumulagta ang malamig na bangkay ng lalaki na kaawa-awang pinatay.
Napa-takip ako sa aking bibig para pigilan ang pag-sigaw at tunog sa aking bibig sa labis na takot at pagkabigla sa aking nasaksihan.
Ano ito?
Bakit niya pinatay ang lalaki?
Anong klaseng napa-ngasawa ng aking kakambal?
“Iligpit niyo na iyan! Siguraduhin niyong walang ibang makakitang ibang tao!” Ma-awtoridad at nakakatakot na asik nito sa mga tauhan. Nilagay ni Calix ang b***l sa kaniyang likuran na animo’y sanay na sanay na siyang pumatay na tao.
“Yes boss!” Nag bow ang mga tauhan ni Calix sa harapan ng nya at gumalaw na ang mga tauhan nito para iligpit ang pinatay na lalaki.
Hinila ng mga ito ang duguan at malamig na bangkay ng lalaki kong saan ng mga tauhan ni Calix. Uminit na ang sulok ng aking mga mata at atras lang ako ng atras sa labis na takot na hindi ako makapaniwala sa aking nasaksihan.
Puno ng takot ang aking dibdib ng may maapakan akong sanga ng kahoy na maka gawa iyon ng tunog.
Napa tigil si Calix sa pag hihit ng sigarilyo at kulang na lang himatayin na ako sa labis na takot ng hinahanap neto kong saan nag mumula ang tunog na kaniyang narinig. Hihimatayin na ako sa nerbyos at kakaibang takot ng sandaling iyon na baka mahuli nila ako.
Na dakpin din at patayin.
Hindi ko na nilingon pa si Calix at nag mamadali na akong umalis sa lugar na iyon para hindi niya ako makita pa.
Mabilis akong pumanhik sa loob ng aming silid at malakas kong sinarhan ang pinto, na maka gawa iyon ng tunog. Nanginig na ang buong katawan ko na hindi pa din ako makapaniwala sa aking nasaksihan. Pabalik-balik ako sa loob ng silid naming dalawa ni Calix na hindi ko alam ang dapat kong gawin.
Napaka lakas na rin ang pintig ng aking puso, at labis na trauma na aking nasaksihan kanina.
Jusko anong mundo itong pinasok ko?
Sinapo ko ang aking mukha at nag danak ang malamig na pawis sa labis na takot na hindi na ako mapakali sa aking kinatatayuan. Nag papanic na rin ako at kulang na lang maiyak sa labis na takot at pangamba na baka ako na rin ang isunod niyang patayin.
“A-Anong bang nangyari? Bakit pinatay niya ang kaawa-awang lalaki kanina?” Ngina-ngat-ngat ko na ang aking kuko, at nangilid na rin ang luha sa mga mata ko.
Kulang na lang himatayin na ako sa labis na takot ng bumukas ang pinto at lumuwa ang nakakatakot na nilalang, na ayaw ko nang makita.
“C-Calix,” sambit ko. Pinag pawisan na ang aking palad na makita ang binata na naka tayo sa harapan ko.
"Bi-bigla akong nagising kanina ng may marinig akong nakakatakot na tunog. H-Hindi ko alam kong panaginip ba iyon o totoo n—” hindi ko n natapos ang aking sasabihin ng hinuli nito ang aking panga at buong diin nitong hinawakan.
"C-Calix nasasaktan a-ako.” Naiiyak kong tinig at inaalis ko ang kamay nitong naka hawak sa aking panga pero mas malakas siya kumpara sa’kin. Doon na bumigat ang aking nadarama na baka saktan niya ako muli.
Na parusahan muli.
Natatakot na ako ng gano’n.
Hindi ko alam kong bakit nangyayari ang bagay na ito sa’kin.
“Anong ginagawa mo kanina sa labas!?” Nakakatakot nitong tinig, na mangatog ang tuhod ko ng mag kasalubong ang aming mga mata. Nakakatakot at nanlilisik na ang mga iyon sa galit. Sandali nakita niya akong lumabas kanina?
“C-Calix nasasaktan a-ako.”
“Just answer my f*****g question!” Napa-pikit ako ng umalingawngaw ang nakakatakot nitong sigaw.
“C-Calix.” Naiiyak kong tinig at hindi pa din nag babago ang emosyon sa mga mata nito.
“Tatakas ka muli? Tatakasan mo ako!?” Lalong humihigpit ang pag kakahawak sa panga ko, na mapa-unggol ako sa sakit. Konting-konti na lang babaliin niya na iyon sa labis na pag titimpi.
“H-Hindi Calix, hindi. Maniwala ka!” Naiyak kong tinig at hinaplos nito ang aking pisngi na para bang dyamante na iniingat-ingatan nito.
“Good!” Tumindig ang balahibo sa aking katawan ng tumama ang balat nito sa’kin.
"Sa oras na malaman ko lang na tumakas ka muli… Alam mo na ang mangyayari sa’yo! Just keep that in mind Laura!” Sumilay ang mala demonyong ngiti sa labi nito at binitawan ang panga nito, na maka hingga ako.
Nag lakad na ito papunta sa banyo at pabagsak nitong sinarhan na maka gawa ng tunog na manginig ako sa takot.
Kasabay ang pag yakap ko sa aking sarili at hindi ko mapigilan na mapa-iyak.
Jusko.
Tulungan niyo ako.