CHAPTER 34

1957 Words

"Ahh! Tita! Ang anghang po! Ang sakit!" Daing ng kaniyang pamangkin na si Marvin habang naiiyak sa sobrang anghang nang kaniyang nararamdaman. Kaagad namang inabutan ng nag-aalalang si Yumi ng tubig ang kaniyang pamangkin. Dumalo na rin ang iba pa nitong mga pamangkin at nakikiusyoso kung napano ba ang kanilang Kuya Marvin. "Hindi pa rin natatanggal Tita eh! Maanghang pa rin!" naiiyak na nitong sigaw sa Tita Yumi n'ya. Loki rushed to the refrigerator and get the box of fresh milk and gave it to Marvin. "Heto ang inumin mo para matanggal ang anghang sa bibig mo." sambit ng binata saka sinalin ang fresh milk sa baso saka ito binigay sa umiingos na si Marvin. Kaagad namang ininom iyon ng bata na halos inumin na pati baso sa kagustuhan nitong mawala kaagad ang anghang sa kaniyang bibig.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD