Mabilis na lumipas ang isang linggo buhat nang magsimulang magtrabaho si Allyson sa AGC (Alcantara and Gutierrez Company). Pero hindi niya alam kung matatawag nga bang trabaho ang umupo lang maghapon para magbantay sa boss niya at ang pagsama dito tuwing may meeting itong pupuntahan sa labas man o loob ng company. Hindi niya alam kung sadyang ganun ang trabaho bilang isang secretary dahil ito ang unang beses niyang magtrabaho sa ganoong position. Malayong-malayo iyon sa inaasahan niya at sa mga nababasa niya. "Baby Vincent, aalis na si Mama. Kiss mo si Mama." Malawak siyang napangiti nang tumayo ito mula sa kama at binigyan siya ng matamis na halik sa labi bago siya niyakap ng mahigpit. "Take care always, Mama," wika nito habang kinukusot ang mata at muling bumalik sa pagkakahiga sa ka

