Masakit ang buong katawan nang magising si Allyson kinabukasan. Medyo masama rin ang pakiramdam niya na parang dadapuan siya ng sakit, idagdag pa ang panghihina niyang nararamdaman. Papaano ba naman hindi sasakit ang katawan niya, hindi ba naman siya tigilan ng binata. Walang sawa siyang inangkin nito na parang walang kapaguran at wala naman siyang nagawa para pigilan ito dahil sa traydor ang katawan niya sa bawat haplos ng binata. His touch affects her so much, to the point na kaya nitong palabasin o buhayin ang init ng kanyang katawan. At pasalamat pa siya dahil kahit konting oras ay pinagpahinga pa siya nito. Hindi niya mapigilan na titigan ang binata habang mahimbing itong natutulog. Magkaharapan sila habang yakap siya nito. Napakaamo ng mukha nito at hindi niya maipagkakaila na sob

