One week has passed na parang walang buhay si Allyson. Bawat araw na dumaan ay walang kakulay-kulay dahil galit sa kanya si Vince. Malaki ang epekto no'n sa kanya dahil parang hindi kumpleto ang araw niya dahil ganun sa kanya ang binata. Nag-uusap naman sila pero hindi katulad ng dati, pormal lang ang nagiging pag-uusap nila. Mabuti nga at pinapansin pa rin siya ng binata pero kulang pa rin 'yon para sa kanya. Namimiss na niya ang tawa, pangungulit at kapilyohan ng binata sa kanya. She really missed him..the real him. Hindi 'yong walang emosyong Vince na parang hindi niya kilala. Nakakapanibago.. Sa bagong bahay na sila tumutuloy. Fully-finished na pala ang bahay ng binata noong birthday pa niya. Kapitbahay nila sina Alyana at Keane na hindi rin naman kalimitan nilang nakakasama dahil s

