RC ll. MISSING, iyon ang binalita sa kanya ng pinsan. Sapagkat usap-usapan daw sa loob ng ospital. At ang nakakainis ay naririto siya upang alamin ang nangyari. Hindi niya talaga matiis si Kristine. Kahit wala na naman siyang dapat pang asahan sa babaeng yon. Pagkakita kay Dr. Elmash Almazar, gusto na niya itong suntukin. Kaya lang kapag ginawa niya iyon posibleng makasuhan siya. “Where is she?” “Bakit mo siya hinahanap, ano ka ba niya?” “Wala kang pakialam, nasaan siya?” “Wala akong alam!” akmang tatalikod na ito ng agad niyang nakwelyuhan. “Nasaan si Kristine at paanong nawawala siya ha?” “Bitawan mo nga ako, sino ka ba sa akala mo Mr. Montalvan. Hindi mo naman asawa si Kristine pero kung umasta ka ay para kang legal husband?” “Ang dami mong sinasabi nasaan siya?!” sabay suntok

