RC ll. ALAM niyang mahal pa siya ni Kristine kaya sasamantalahin niya ang pagkakataon. Hindi na niya hihintayin na tuluyan mawala ang pagmamahal nito sa kanya. Gagawin niya ang lahat upang maibalik ito sa piling nilang mag-aama. Dahil alam niyang huling chance na niya ito sa dami ng kasalanan niya dito. Magmula ng pumayag ito na may mangyari sa kanila ay nagkaroon siya ng pag-asa. Ngayon kahit hindi siya nito masyadong pinapansin ay ayos lang dahil siya naman ang may kasalanan. Hindi rin sila natuloy sa bakasyon sa hindi niya malamang dahilan. Basta napagpasyahan na lang nilang bumalik sa bahay nila. Wala naman naging problem at sumama agad sa kanila si Kristine. Hindi na rin muna niya inungkat ang tungkol sa kasal. Hahayaan na lang muna niya kung kailan ito maging handa. “Bayaw, hindi

