PINAGTAGPO PERO DI TINADHANA CHAPER NINE

893 Words
Eksaktong ikawalo ng umaga nang sunduin ni Lexus si Vivienn sa lugar kung saan sila magkikita. Nakita niyang umaliwalas ang kanyang mukha ng makita siyang dumating na. Tiningnan niya ito, naka bestida ito ng hanggang tuhod, maroon ang kulay ng damit nito na mas lalong ngpatingkad sa kaputian nito. Napalunok siya nang makitang napakaganda ng mga ngiti nito. Lumapit ito sa kanya habang tinititigan niya pa rin ang dalaga. "Hey! I know i'm beautiful but thanks!" Untag sa kanya ng dalaga. Namula naman ang binata sa sinabi nito. Hindi siya umimik dahil sa pagkapahiya kaya pinaandar na lang niya ang kanyang sasakyan. Habang daan ay wala silang imikan. "Hindi ba magagalit ang mga magulang mo sa paglalayas mo na 'yan?" Naalalang itanong ng binata kay Vivien. "Don't worry, hindi ako naglayas i want space and i want to take a break," sagot nito sa kanya. Hindi siya umimik. "Baka pati kami madamay diyan," turan ng binata kay Vivien. Tumingin sa kanya ang dalaga, agad siyang nag-iwas ng kanyang tingin. "Of course not! Promise it won't make you harm," nakangiting tugon nito sa kanya. Sukat doon ay tumahimik na siya para di na makulitan sa kanya ang dalaga. Nakarating sila sa kanilang bahay at inalalayan ang dalaga papasok sa loob. Maliit lang ang kanilang bahay, simple lang at marami silang kapit-bahay na tsismosa. "Akin na ang gamit mo, dito ka sa kabilang kwarto matulog," sabi niya saka kinuha ang bag ng dalaga mula sa kamay nito. "Thanks!" Sagot nito at umupo sa kanilang sofa. "Pasensiya ka na, maliit lang itong bahay namin," paumanhin niyang sabi dito. "It's okay, i want peace of mind dont bother," kaswal na tugon nito. Nagkibit-balikat lang ang binata. Para kasing iba na naman ang dalaga sa nakita niya nung isang araw. Biglang lumitaw ang kanyang ina sa kanilang pintuan at nagulat ito sa nakitang bisita nila. "Diyos ko! Ikaw pala iha, kinagagalak kong nakabisita ka ulit dito sa bahay," masayang wika nito at lumapit kay Vivien. Masaya niya itong pinagmasdan.Nginitian naman ng dalaga ang ina ni Lexus. "Inay baka naman malingngis na si Vivien sa sobrang pagkagigil niyo sa kanya," pabirong awat ng binata sa ina. Pinandilatan lang siya ng kanyang ina. "Eh, dito po sana ako nang ilang araw kung pwede po," diretsang sabi ng dalaga. Nanlaki ang mga mata ng kanyang ina sa narinig. Saka tumingin kay Lexus ng nagtatanong. "Susme! Lexus ka, 'wag mo sabihing itinanan mo si Vivien," natatarantang tanong nito sa anak. Tumawa ng mahina si Lexus saka tiningnan ang ina. "Inay naman, magrerekaks lang siya dito kasi tahimik," paliwanag ng binata. "Totoo ba iyun iha?" Baling nito kay Vivienn. "Opo at kung papalarin po eh,magiging bf ko na nga ang anak niyo," diretsang sagot ng dalaga. Pumalakpak pa ang ina ni Lexus na tila ba nasisiyahan sa sinabi ng dalaga. Natameme naman si Lexus dahil sa kaprangkahan ni Vivien. Nag- excuse siya sa dalawa at lumabas sandali para sumagap ng hangin. Para kasing nahihiraan siyang huminga ng dahil kay Vivien. Tinanaw niya ang mga ito sa loob habang masayang nagkukuwentuhan sa sala. Biglang tumingun si Vivien sa kanya at kumindat ito. Nahithit nita ang kanyang sigaril ng wala sa oras. Kinagabihan. Dumating si Ken galing parke ng mabigla siya dahil nandun si Vivien sa kanila. Agad niyang hinanap si Lexus para magtanong. Nakita niyang nag-iihaw ito sa likod ng bangus at tilapiya. Agad niyang sinamyo ang amoy nang iniihaw ng binata. "Hmmm.. sarap naman niyan," masayang sabi nito habang lumalapit sa binata. Nilingon lang siya nito at hindi umimik. "Uy, pinsan bakit nasa palasyo mo si bomba?" Tanong nito ng malapitan siya. Hinampas niya ito ng pamaypay. "Wala ka na roon, itikom mo yang bibig mo at baka di kita bigyan nang niluluto ko," inis na sagot niya sa pinsan. Napakamot sa kanyang batok si Ken. "Oo na, mahirap nang walang ulam," nakabusangot na tugon nito sa sinabi ni Lexus. Napangisi lang siya sa hitsura ni Ken. Maya-maya pa'y lumapit sa kanila ang dalaga. Napatitig si Lexus sa dalaga. Nakashort ito ng maong na maikli at nakasphagetti ito ng black. Lutang na lutang ang puti nito maski sa dilim. "Wow! Letsong binti nakatakam," bulalas ni Ken. Hinampas niya ulit ito kaya tumgil. Nakangiti naman sa kanila si Vivien. Napatingin siya kay Ken na halos lumuwa na ang mata habang nakatingin sa dalaga. Halos maglaway na rin ang kanyang pinsan. Binatukan niya ito para matauhan. "Aray! Ito talaga killjoy!" Himutok ng binata. "Tapos na ba kayo dito?" Magiliw na tanong ng dalaga sa kanila. "Hindi pa! Kahit magdamag ka tumayo diyan hinding-hindi kami matatapos," nakangising sagot ni Ken. Muli itong pinandilatan ni Lexus. Tawang tawa naman si Vivienn sa hitsura ni Ken. Biglang napatigil si Lexus sa ginagawa ng may mapansin siya. Nagkakagulo ang mga kalalakihan sa labas ng bakuran nina Lexus. Agad kumunot-noo si Lexus saka tiningnan kung ano iyun. Muling bumalik ang kanyang tingin kay Vivienn. Biglang hinila ni Lexus si Vivienn pakubli sa kanyang likod. Pinagkakaguluhan pala nila si Vivienn dahil sa angking alindog ng dalaga. Walang sabi-sabing hinila niya ang dalaga papasok sa bahay. "Dito ka lang, wag kang aalis," bilin niya dito at bumalik sa labas. Kinuha niya ang isang balde na may laman pa saka isinaboy sa mga lalakeng nandoon. Nagsipulasan ang mga ito ng takbo at umuwi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD