Nakaramdam ako ng sobrang lamig sa katawan kaya napilitan akong bumangon. Malakas na ihip ng hangin at tunog ng paghampas ng alon ang narinig ko nang magising ako. Saglit kong inalala ang nangyari bago ako nakatulog. "Where's Franco?" Siya agad ang unang sumagi sa isip ko. Bago kasi ako nakatulog ay nakasakay ako sa kotse ni Franco at palabas kami ng Manila. Narinig ko ang langitngit ng sahig na tinutungtungan ko sa tuwing naglalakad pakiramdam ko ay tila mabubuwal ako dahil ang sahig nito yari sa kawayan at pawid ang dingding ng bahay. "Franco! Franco!" sigaw ko. Lumabas ako ng kubo at tumambad sa'kin ang malamig na hangin na nagmula sa dalampasigan. Tanaw na tanaw ko lang kasi ang dagat at dahil sa liwanag ng bilog na buwan nakikita ko ang malakas na paghampas ng alon. Nakaramdam a