MILAN, kasama ang kaibigang piloto ay nagtagal sila ng ilang araw doon upang hintayin ang ipinagawa niyang babasagin na pigurin. Kahit mahal ang nagastos niya ay sulit naman, naibalik ang dating anyo nito. Ngayon ay nakahanda na siya sa gagawing pagbabalik ng bansang Pilipinas. “Boss Dave, alam mo na ba ang balita?” “Ano naman ‘yon Erwin?” “Here, tingnan mo ang magazine na ‘yan. Hindi ko alam kung magkamukha lang sila ng babaeng kasama mo sa isla at sa hacienda Montemayor. Pero palagay ko ay isang tao lang sila, basahin mo ang article.” Mabilis niyang pinasadahan ng tingin at binasa iyon pagkatapos ay bigla na lang kumalabog ang kanyang dibdib. Tama ang sinabi ng kaibigan si Erwin, ang babae sa litrato at ang pinadukot niya ng dalawang beses ay isang tao lang. Subalit ang hindi niya m