MAGMULA ng sinabi ni Trisha, na hindi niya kayang patawarin si Dave, ay hindi na ito muling nangulit pa sa kanya. Kaya naman naging panatag na siya, isa na lang ang gusto niya ang makaalis sa mansion nito at makauwi sa mga magulang. Dahil kahit subukan niyang tawagan ang mga ito sa telepono ay naka block ang outgoing international call. Ang cellphone naman niya ay kinuha rin ng lalaking iyon at pati ang mga tauhan sa mansion o mga kasambahay ay sinasabing wala raw cellphone o kaya naman ay walang load kung sinusubukan niyang humiram. At nauunawaan naman niya ang mga iyon dahil once na pinahiram siya ng isa ay siguradong tanggal sa trabaho. Ayaw niyang siya ang magiging dahilan ng pagkawala sa trabaho isa man sa mga 'yon. “Ma’am Trisha, ipinatatawag ka ni Boss Dave, naroon siya sa lanai.”