4-YEARS LATER…. ANG panganay niyang kambal na sina Charles at Chariz Zuzzeth, ay edad 39 months old at kasalukuyang nasa kindergarten. At habang nakatitig si Trisha, sa isa pang anak na masarap ang tulog. Ang 15-months old na si Jayden Mark (JM) ay hindi mapigilan balikan ang alaala kung paanong nag buntis na naman siya ng isa pang lalaki. “Sistah, may medical mission sa provincial jail, naghahanap sila ng volunteer.” “Bakit mo sinasabi sa akin ang bagay na iyan sistah?” “Dahil ang medical mission ay sa mismong kulungan kung saan naroon ang lalaking ama ng kambal.” “T-Totoo ba ang sinasabi mo?” “Yes, at kaya ko nalaman dahil isa si Dra. Menchie Buenaventura, na kasama sa mission doon.” “Si Dra. Chie? Sigurado kang siya iyon?” “Yes, sistah kaya kung willing ka ay sumama ka dahil al