NABIGLA ako sa sinabi ni Ravano. Tumigil ang pag-hikbi ni Lizah kaya mas lalong tumahimik ang buong mans’yon. Magsasalita na sana ako pero hinila na ulit ako ni Ravano. Naririnig ko pang tinawag s’ya ni Lizah at pinagpatuloy n’ya ulit ang kan’yang pagiiyak pero dire-diretso lang ang pag-hakbang naming dalawa. Hinayaan ko talaga s’yang kaladkarin ako. Hindi naman literal, in a gentle way of course. Ang akala ko, bababa kami pero umakyat lang din pala kami pabalik ng k’warto na kagagaling ko nga lang din do’n. Pinasok namin ni Ravano ang aking silid pero kapansin-pasin na may sumisipol sa labas ng aking balcony. Pag-sulyap ko ro’n, nandoon pa rin pala si Zatan at hindi pa rin umalis until now. He was sitting on the chair, naka-talikod pa sa amin pero na’ng mapansin n’yang may mga yapak n