“I’LL make her my girl.” Natigilan ako sa aking narinig. Para akong tangang nakatitig kay Ayden na nakatingin lang sa tanawin na nasa harap namin. Nag-iwas ako ng tingin. I cleared my throat, feeling the disappointment in my stomach. My stomach suddenly feels sick. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. I know, I should say something or else, Ayden will assume my silence for something else. Baka mahahalata niyang apektado ako. I think of any words that I could say. “Ang swerte naman no’ng babae. Sana all hinihintay,” I managed to say despite of the bitterness I’m feeling at the bottom of my stomach. Pinasok ko ang kanang kamay sa bulsa ng aking palda at napahawak nang mahigpit sa pitaka na naroon. Fire. “Alam mo, may hinihintay rin ako,” pagk