“ANO ‘YON, dae?” Nakataas kilay na tanong ni Heziah sa akin. Nasa canteen kami ngayon dahil recess na at nakatambay sa set ng tables na nasa gilid ng main na canteen. Kami lang ang nandito sa parteng ito habang ang ibang estudyante naman ay nasa kabilang side. Tiningnan ko sila isa-isa. Mataman silang nakatingin sa akin habang hawak ang kanilang mga pagkain. Yawa, kailan ba nila ako titigilan? Ganito ba talaga kapag puro babae ang circle of friends mo? Napakamot ako sa aking kilay at nagpakawala ng buntonghininga. “Anong ano?” balik-tanong ko kay Heziah. Nagsi-irapan ang aking mga kaibigan. Napairap na lang din ako. Bahala kaming mag-irapan dito. “Anong anong ano?” Binatukan ko si Candy sa kanyang tanong. May lollipop na naman siya sa kanyang bibig. M