Forty-four "George? What's wrong?" ka video-call ko si Gelo ngayon. Salubong ang kilay at halata sa mukha ko ang stress. Hindi ko agad sinagot ang tanong ni Gelo. Pero iniharap ko ang camera sa mga anak namin na pare-parehong nakaupo sa sahig at nagpapaawa effect. "Ano na naman ang ginawa nila?" sabi ni Gelo nang makita ang itsura ng mga bata. "Nilaro na naman ba ang mga libro sa library?" tanong nito. Last Wednesday kasi ay hindi namin namalayan na maagang nagising ang mga ito. Pati ang mga Yaya ay napasarap ang tulog. Sakto namang bukas ang library. Ilan sa mga libro roon ay pinaglaruan. Gumawa pa sila ng sandamakmak na paper planes mula sa mga pahina ng libro. Itinuro kasi ng kuya Mesea nila noong ipasyal ni Landon rito ang magkapatid. Limang taon pa lamang ang triplets pero pak