"What can I do for you?" seryosong sabi ko sa ginang. Ayon dito ina raw ito ni Gwen. "Nandito ako hija para makiusap na tigilan mo na ang anak ko! Nasisira na ang future n'ya ng dahil sa mga paratang mo!" "Aba'y isa ka rin pala na may saltik eh! Ako pa talaga ha, samantalang 'yong anak mo ang 'di tumitigil sa pangugulo sa amin! Mali kayo nang kinakausap ngayon, ang dapat ninyong kinakausap ay 'yang anak n'yo. Ayokong maging bastos sa inyo dahil mas matanda kayo sa akin. Pero siguro dapat umalis na kayo, dahil kapag si Gwen ang pinag-uusapan nagiging bastos ako!" "S--orry!" "And also---subukan n'yo kayang puntahan 'yong lalaking nasa kulungan ngayon na inutusan ni Gwen na sunugin ang lugar na iyon. Baka sakaling ma-realize n'yo na nagpapanggap lang 'yang anak ninyo na mabait at santa-sa