TWO

1250 Words
TWO "Landon!" tawag ko kay tisoy na kulot. Nakaparada ang poging motor nito sa gilid ng kalsada. Agad itong lumapit sa pader kung saan kasalukuyan akong nasa tuktok. Ibinato ko rito ang back pack ko. Saka ako bumaba. Kapag 'di pinayagang lumabas, eh 'di tumakas. Ganoon lang naman iyon. Hindi ko kailangan ng mga bodyguards at chaperone para lang alipinin sila sa bawat lugar na pupuntahan ko. Nandyan naman si Landon. Libre sakay pa sa motor nito. Sinuot nito ang helmet sa ulo ko, malamang saan ba sinusuot ang helmet? Utak guys. Saka ako sumakay. Birthday raw ng isang tropa at may pa alak kaya heto kami. Kung saan ang libre roon kami. Ilang minuto lang ang tinagal ng byahe dahil ang kulot na ito ay magaling talagang magmaneho. Pagdating namin sa abandonadong lugar 'di pa man kami nakakapasok ay rinig na namin ang ingay nila. Sabay kaming naglakad papasok. Kaso nang makita namin sila, Ewan ba, sabay pa kaming napahinto ni kulot sa paghakbang. Nagkatinginan pa na akala mo nag-usap ang aming mga mata. Loko-loko kami. Pero 'di kami tulad ng mga taong ito, lasinggero pero alam naming controlin ang tama ng alak sa katawan namin. "Alis na tayo!" sabi ni Landon na ikinatango ko. One of the boys ako, pero babae pa rin ako. At sa nakikita ko ngayon na kababuyan nila hindi ko kayang sikmurain. Pare-parehong hubad ang nasa pitong kalalakihan. Habang may isang babaeng tuwang-tuwa na nakagapos habang hinahaplos ng mga kupal. Kailangan ko pa bang i-discribe? Kadiri! "Tara!" sabi ni Landon at hinila ako. Tinatawag kami ng mga tropa pero sa ganitong trip, talo-talo muna. Kahit naman astang barako ako alam ni Landon ang limitations ko. May respeto ako sa sarili ko. Sabi ko nga I love myself. At never kong gagawin ang mga ganoong bagay. Nakakawala ng morale ang ganoong gawain lalo na sa aming mga babae. Buti sana kung jowa mo or asawa mo. Eh kaso 'yong mga 'yon baka nga jowa pa ng sa tapos share share na sila. Mga baboy. "Saan tayo?" tanong ni Landon nang makaayos na ako ng upo. "Hindi ko alam, pero nagugutom ako!" sabi ko na ang nasa isip ay pagkain. Oo pagkain! Malakas akong kumain pero pinalad ako dahil kahit matakaw ako at malakas uminom hindi tumataba. Siguro dahil na rin sa mga extreme na activities ko. "May alam akong lugar!" sabi ni kulot saka binarurot na ang motor nito. Mas masarap talagang magtropa ng lalaki. Alam n'yo kung bakit? Well, wala naman talagang reason, sadyang si Landon lang ang kayang sumabay sa mga trip ko sa buhay. Sa isawan. Oo rito niya ako dinala sa isawan sa labas ng isang university. Ang gwapo ng motor pero medyo kuripot din 'tong animal na 'to. Pero oks lang naman, 'di ako maarte. "Ate, isaw mo nga!" medyo maangas na sabi ni tisoy. Epal porke pogi sumingit na. Ito namang mga babaeng nakapaligid akala mo kinurot ang mga singit at waring kinikilig. "Ilan?" tanong nito sa akin saka sumenyas na lumapit. Nalingunan ko pa ang motor nito na pinalilibutan ng mga estudyante dahil sa angas. Lumapit ako, wala akong pake kung ang titig ng mga babae sa akin ngayon ay sobrang sama. Nalingunan ko ang isang babae na umirap sabay bulong sa katabi nito. Nang magtama ang tingin namin ngumisi ako sabay taas ng gitnang kamay. Fuck you all, wala akong pake sa mga hampas lupang nilalang na naka kita lang ng gwapo akala mo kalaban na ang tingin sa mga babaeng nakapaligid, gago 'di kami talo ng lokong ito. "Ate i-toasted mo, ha! Hingi kang suka, Tol!" sabi ko sabay senyas na tutungo sa 7"11. Pagpasok ko ng 7'11 agad na lumapit ako sa mga alak. At kung ano na lang ang dinampot saka iniabot ang bayad sa cashier. Kaso paglabas ko may mga kalalakihang humarang sa akin. 'Yong mga itsurahing gangster ng sinaunang panahon. May pa-scarf pa sa noo at leeg ng mga ito. Naka t-shirt na maluwag at pantalong kupasin. Hinablot ng isa ang hawak kong plastic. Saka sila nagtawanan. Bored na tinignan ko ang mga ito. Kalma self, sila 'yong mga tipo ng tao na dinadaan sa angas ang lahat isama pa na walang pambili ng kanilang mga alak. "Sama ka na sa amin, trip to heaven tayo!" sabi ng isa na talsik pa ang laway. Natawa lang ako. Hindi ko pag-aaksayahan ng oras itong mga ito. Lumapit ako sa lalaking may hawak ng alak saka akmang kukunin iyon ngunit mabilis na ipinasa sa kasama. Ngumisi pa ang gago akala ata ikinagwapo nito. Unti-unting nagsalubong ang kilay ko. Honestly, ayaw kong mapaaway ngayon, pero maiksi lang ang pasensya ko. Hindi ako mag-e-effort na habaan ito para lang sa mga gangster wannabes na ito. "Sarap lamasin ang dede!" narinig kong sabi ng isa. Okay, enough with this shits. Akmang susuntok na ako nang makalapit si Kulot saka inakbayan ako. Ang kamay na pinang-akbay ay nakahawak sa kamao kong tatama na sana sa mukha ng gunggong. "Calm down!" sabi ni Landon sa akin."May problema ba rito?" maangas na tanong nito sa mga gangster wannabes. "Syota mo ba 'yan? Pwedeng akin na lang?" sabi ng isa. At muli na namang nagtawanan ang mga ito. "Naku, mukhang hindi ka kilala rito, kulot!" biro ko na sinabayan pa nang tawa. Kasi kung kilala ng mga ito ang kasama kong lalaki ay tiyak na kumaripas na ng takbo ang mga ito. "Mukhang kailangan kong magpakilala!" sabi ni kulot saka tinanggal ang pagkakaakbay sa akin. 'Yon nga lang kargado ang mga loko. Naglabas ang mga ito ng kutsilyo. Ang mga estudyante na nakiki-usyoso ay napaatras at dumistansya sa amin. Ako naman ay naupo sa hagdan sa 7'11 saka nangalumbaba. Magandang laban ito. Madugo sigurado. Nang umatake ang mga ito, na sabay-sabay pa talaga iniwas-iwasan lang ni Landon. Mukhang naglalaro lang si Kulot na ikinapikon ng mga gangster wannabes na ito. Ang isa nga nakita kong palapit sa akin. Pero kalmado lang ako. Dahil bago pa makalapit sa akin ay na haltak na ito ni kulot saka itinulak sa mga kasama nito. "Tapusin mo na kulot, alak na alak na ako!" sabi ko habang nanatiling naka kalumbaba. Mukhang sinunod naman ako nito dahil mabilis itong umariba ng suntok sa mga gangster wannabes. Hinuli talaga nito ang lalaking may hawak ng alak. Ngunit bago pa makalapit agad nitong iniangat ang alak sabay luhod. "Ito na boss, hindi na ako lalaban!" nanginginig ang tinig na sabi nito. Hinablot ni Landon iyon sabay bato sa akin. Mabilis ko lang na nasambot. "Tara!" sabi ko rito at nauna nang bumalik sa isawan. "Landon!" tinig ng isang babae ang nagpahinto sa amin nito. Nang lingunin namin bahagya akong napangiwi. "Chicks mo, mag-so-solo na lang ako! Ikaw ng bahala d'yan!" sabi ko rito at tinungo na ang isawan. Ayon sa ale bayad na raw kaya kinuha ko na. Nang lingunin ko sila sumakay na si Landon sa motor nito saka sumakay ang babae. Napailing na lang ako. Iba rin talaga si lover boy. Tsk, mag-co-commute tuloy ako nito. Dahil rush hour hindi ako agad nakasakay kaya naman naglakad-lakad muna ako. Kaso nakalimutan kong territory pala ito ng mga gangster wannabes. Tapos nasa isang iskinita pa ako ngayon. Madami sila ngayon na nakaharang sa daan. Kalmado lang ako, Hindi na bago ang ganitong eksena sa akin. Pero ang pinagkaiba lang, walang kulot na tisoy na back up ko. "Tang'ina, alak na alak na ako! Alam n'yo ba 'yon?" himutok ko habang kumukuha ng isaw sa plastic. Saka kinain iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD