Chapter 11 ❂• 3rd POV •❂ Isa-isang pumasok ang mga matatanda at iba pang miyembro ng pinakamataas na konseho sa kaharian ng Nephyria sa silid ng trono ng Kingdom Palace. Huling dumating si Pope-King Mateo Xavier III at halata ang masamang panagano na nakapinta sa kaniyang kulubot na mukha. Isang matingkad na pulang sutana ang kaniyang suot na may mga disenyo gaya ng pagbuburda ng krusipiho at ang simbolo ng araw. Tumayo agad ang lahat ng miyembro ng Grand Council upang magpakita ng respeto sa matandang hari at papo nang mapansin nila ang kaniyang pagdating. Lahat ng mata ay sinundan siya habang siya ay mabagal na naglakad papunta sa mataas na tronong upuan. “Ang mahal na hari, ang pinakamapangyarihang pinuno sa kahariang ito, ang pangulo ng Church, at ang tagapagsalita ng Diyos, si Pop

