Chapter One

1234 Words
“SA MADALING salita, the management changed completely over the past five years at wala kang maaring access sa anumang files sa nakalipas na mga taon?” Paguulit ni Emerald, samantalang tumango ang kaharap na si Missy. Napabuntong hininga ang dalaga, dismayado. Pagod at sadyang nalilito. Sa nakalipas na dalwang linggo ay sinasadya niya ang anumang maaring clue ng pagkatao ng Ama ni Milo. Sa maraming dahilan ay gusto niyang mapagsino ang sperm donor nito. Ngunit ang loko ay tila sadyang pinaglaho na parang bula. Mahirap hanapin. Mahirap lagyan ng mukha. Subalit, kung ang pagbabasehan ay ang hitsura ng pamangkin, his biological father is sure to be handsome. May foreign na dugo sapagkat kakaiba ang tangos ng ilong nito. Even the depth of his eyes pati ang pilikmata na mayroong pilantik. Ang nakakatuwa ay tila minana nito ang lahat ng hitsura sa ama, maliban na lamang siguro sa korte ng mata. His eyes were almond shape kagaya ng sa half-sister. “Pasensya ka na, Emerald ah. Hindi ko rin maungkat ang impormasyon na kailangan mo, sapagkat kakailanganing paraanin sa management. Lalo na kung ang nasabing impormasyon ay tungkol sa mga VIP clientelles.” Lintanya nito. At isiping isa na itong general manager sa nasabing five-star hotel, awtoridad ng maiituring ang posisyon nito subalit mayroon pa nga itong supervisor. “Ako nga ang dapat magpasalamat sa iyo. Atleast, we know what kind of person he is. Mayroong kakayahang bumuhay ng bata.” Napabuntong hininga siya, ginagap ang tasa ng kape at sumimsim. “The names of the hotel's VIP's at the very least.. Maari bang..?” “That, i can probably help you with. Hindi ko man makuha ang eksaktong room numbers, at iterinaries and extracurricular activities ng clientelles namin during their stay— but i can show you their names. Maghintay ka dito, at ipiprint ko para sa iyo.” Anito. Napangiti naman si Emerald dito. At ang sinasabi ng Mommy na pagwawaldas niya ng pera sa walang kabuluhang bagay ay wala ring kwenta. But it bought her connections, friends from plenty of places. Being a generous tipper also bear it's conveniences. Habang hinihintay niya ang pagbalik nito'y hindi niya mapigilang mapatingin sa isa pang table na hindi naman kalayuan. Naghahagikhikan ang mga babeng nasa magkabilang gilid ng isang lalaki. Malaki itong tao, hindi man niya aminin ay sadyang makatawag pansin sapagkat magandang lalaki. The black shades and the leather jacket he wore only added more to his s****l appeal. Kaya hindi lamang siya ang sadyang napapasulyap sa kinaroroonan nito. Hantad itong nakikipagharutan sa mga babaeng kasamahan. Walang pakielam at regard sa kaninomang tumitingin at pinagpepyestahan sila. Emerald's eyebrow's furrowed in distaste, Playboy. Ang paraan ng pagbubulungan nito, ang mayroong malisya na paghawak.. she shivers. At may balak pa atang mag-live show sa gitna ng dining! Subalit nasamid siya ng ibaba nito ang shades at kumindat sa direksyon niya. Naeeskandalong tumaas ang kaniyang kilay, lumingon sa paligid upang masiguro kung para sakaniya ang kindat na iyon. Damn him! Sadya bang malakas ang kidney at pangangatawan nito? Balak pa siyang isali sa kabalastugan. “Mam Emerald?” Pukaw ni Missy, na hindi niya namamalayan ay nakatayo na sa harapan niya. “Heto na po ang files.” Inabot niya ang envelope, at nagpasalamat. “Thankyou, Missy. I really appreciated your help.” Aniya habang nakikipagkamay dito. Ngunit hindi yata't naroon ang isip niya sa lalaki na nasa kabilang table, minumura ito. “OH, KAMUSTA ang inakay mo?” Boses ng kaniyang ina sa kabilang linya, nagbabadya ng pagmamata ang tinig. Subalit hindi niya ininda ang pagiging maldita ni Sara. Isa itong tigre kapag nagsasalita, ngunit malambot sadya ang puso nito. Napatingin siya sa batang nahihimbing sa kaniyang tabi. Hindi ito maaring makatulog kapag hindi siya nararamdaman. Hanggang maari ay pati pintig ng puso niya'y naririnig nito. Katulad ng isang sanggol sa kaniyang ina, at nangungulila ito sa half-sister niya. Palibhasa'y naging mailap si Marianne dito. Hindi malaon ng ipinanganak ang bata ay bumalik sa dating gawi— ang pagpa-party, paglalasing at paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Sadyang hindi pa ito handa sa responsibilidad ng pagiging ina kung kaya't kinamuhian ang bata. Kung hindi sa hired help na mabuti ang puso ay lubusang napabayaan ito. Lalo na ng yumao si Marianne sa drug overdose. Napabuntong hininga siya. Naalala ang pagka-bigla ng nakatanggap ng mensahe, ukol sa isang will. Iniiwan ni Marianne ang responsibilidad sa pagpapalaki ng apat na taong gulang nitong anak. A bouncing baby boy at that. Na kung sa ibang kaedarin ay siyang kakulitan, subalit si Milo ay tahimik at behaved. “He's okay mommy. Nagkukwento na siya ngayon, at kumakain na ng mas marami.” Sumigla ang boses ni Emerald habang hinahaplos ang buhok ng nahihimbing na bata. Sa dalwang buwan na kasama niya ito'y lalong lumalapit ang loob niya sa bata. “At talagang nasisiyahan kang nagaalaga ng bata ng hindi mo man lamang kaano-ano? Emerald, ipapaalala ko lamang sa iyo ha. Dalaga ka, ni wala kang asawa! Paano mo ipapaliwanag sa mga tao na nasa puder mo ang bata, aber?” “Bakit kailangan kong ipaliwanag ang bagay na iyon mommy?” “Para sa anong dahilan pa ba? Paano ka makakapag-asawa? The only men you will start to attract with a baggage like that are those lecherous manwhores!” “Walang puwang sa mundo ko ang mga taong makikitid ang utak. I would rather not get married kung ganoon,” Mariin niyang sambit ngunit pabulong. “And you know Milo is not a stranger to us. Pamangkin ko siya at Lola ka niya.” “Yeah right. That pest of a woman must be laughing sa ilalim sapagkat ang anak ko naman ang pinepeste ng pamilya niya.” Anito, tukoy sa naging mistress ng kaniyang Papa. “Hindi biro ang responsibilidad ng pagpapalaki ng bata, Emerald.” lumambot ang tinig nito. “I know mommy. But i have you as my guide, and i turned out well didn't i?” Malumanay ang boses na saad ni Emerald. “Pero sa ngayon, nakikita kong kailangan ni Milo ng pagmamahal at atensyon. I'm trying my best to give him that.” “Por dios por santo, Emerald. Hindi ko alam kung ikakasama ko ng loob ang pagiging matibay ng loob mo.” Saad nito, napabuntong hininga. “What else can i do but to support you?” “Thankyou ma.” Emerald smiled. Alam niyang ito lamang ang paraan nito upang iparating na mayroon rin itong amor sa bata. “At kamusta na nga pala ang paghahanap mo sa biological father ni Milo? Has that bastard shown a face yet?” “Well, i've found out that he's an important person. Mayroong sinasabi sa buhay. Ngunit hindi pa rin ako nakakasiguro kung mayroon itong alam na may anak siya.” “Ipagtatanong ko rin sa kilala kong detective agencies, ng mapirme ka. And if there is anything you need, baby, sabihin mo lamang sa akin. Mommy's always a phone call away okay?” Emerald humms, at nagtapos ang tawag nila. Maingat na ibinaba niya ang cellphone sa nightstand, habang niyakap ang bata. Napatingin siya sa liwanag na nagmumula sa bintana, uttering a silent prayer. I hope i become a good guardian... Or a mother. Sana ay mapunan ko ang puwang ng pagmamahal sa iyo. Marahan na kinintalan niya ng halik ang noo ni Milo. And i hope we meet your father soon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD