Ang Paraiso ni Irano Season 2 AiTenshi Aug 7, 2019 Part 46: Ang Pangako Noong bumalik ang aking ulirat ay natagpuan ko ang aking sarili sa loob ng isang malaking silid. Walang kahit anong makikita sa loob nito kundi purong puti lamang. Ang aking damit ay iba na, para itong bathrobe na kulay itim at may kakaibang desensyo sa mga ladlaran. May nakalagay na bracelet sa aking kamay at paa. Sinubukan kong tumayo at lumakad sa pintuan ng silid ngunit laging gulat ko ng mayroon palang isang matibay na pisi na naka kabit sa mga bracelet at nakatugon sa pader. Itinali nila ako at ginawang bihag, kung saan man ito. Habang nasa ganoong posisyon ako ay siya namang pag bukas ng pinto at dito pumasok ang isang lalaking matangkad, singkit ang mata at naka suot ng kalasag. "Maligayang pag dating