Ang Paraiso ni Irano Season2 AiTenshi Aug 1, 2019 Part 38: Ang Bagong Tahanan "Alam mo atat na atat na talaga akong gupitan iyang si Haring Kiran, biruin mo ang long, shiny and silky ng buhok niya. Daig pa yung model ng Ivory shampoo doon sa tv! Pero alam mo walang masyadong appeal sa akin ang lalaking walang buhok sa katawan, wala siyang buhok sa kili kili, walang buhok sa binti, mabuti nalang mayroon siyang kaunting karug sa baba ng abs niya." ang madaldal na wika ni Tibur habang abala kami sa aayos ng mga silid. "Sagrado nga daw yung buhok nila at hindi basta basta pinuputol ng hindi dugong bughaw. Saka karaniwan talaga sa mga Iranya ay flawless at makikinis, pati yung mga kawal niya ganoon din." ang sagot ko "Talaga ba?" tanong niya na may kinang sa mata. "Oo." simple kong t