Ang Paraiso ni Irano Seaon 2 AiTenshi July 29, 2019 Puro sugat ang kanyang katawan, tumatagas ang dugo sa kanyang dibdib at mukha. “Anong nangyari sa iyo?!” ang tanong ko. Hinawakan niya ako ng mahigpit sa braso at pinilit niyang mag salita. “Ang Iranya… wala na.. wala ang Iranya.” ang wika na parang isang malakas na bombang sumabog sa aking tainga. Part 33: Pag bagsak ng Iranya "Eh sino naman iyang pogi na iyan? Teka tao ba iyan? Bakit parang napaka kinis naman yata niya. Saka bakit kapag may naaanod doon sa karagatan ay gwapo?" ang pang uusisa ni Tibur habang naka tingin kay Kiran na noon ay tulog pa rin at walang malay. "Hindi siya taga rito sa mundong ito. Siya Kiran, hari doon sa planetang Iranya." ang sagot ko. "Iranya? Saan naman iyon?" tanong ni Tibur "Malayo, ilang so