Ang Paraiso ni Irano Season 2 AiTenshi Nag bitak ang planetang Humeria at nahati ito sa tatlo. Ang malaking tipak at ay tinawag na Iranya, ang dalawang maliit na tipak ay tinawag na Araknia at Sarangia. At dahil nais ng Diyos na mag kakadikit ang tatlong tahanan, gumamit siya ng espesyal na tali upang panatilihing mag kaka kabit ang bawat isang tipak. At iyon ang kasaysayan kung bakit nag hiwa hiwalay ang tatlong tahanan.. At iyon ay dahil sa makasaysayang pag baha.. Part 62: Ang Dalawang Elemento Namangha ako sa aking narinig, halos mapanganga na lamang ako habang ipinakikita niya ang mga larawan ng naganap na pag huhukom sa aking isipan na parang isang pelikulang tumatakbo sa aking utak. Ginusot niya ang aking buhok at sinara ang aking bibig. "Noong sinaunang panahon, kadalasa