Ang Paraiso ni Irano Season 2 AiTenshi Aug 12, 2019 Part 58: Pusong Bato "Huwat? Seryoso? Kaya naman pala halos ilang linggo na si Papa Cyan doon sa kulungan ay hindi pa ito nakaka laya dahil sa iyo! Nag balik na yung ala-ala ng tao, bakit ayaw mo siyang tanggapin?!" ang paninita ni Tibur noong sumugod ito sa aking silid habang nag aayos ng gamit. "Dahil deserve niya iyon. Ang dapat sa mga kriminal ay ikinukulong! Deserve niyang mabulok at mamatay doon!" ang sagot ko. "s**t ka naman papa Irano! Kung yung si Haring Kiran nga e, nag sakripisyo upang ibalik yung ala-ala ni Cyan at para umuwi na siya sa atin! Tapos ikaw ay ganyan pa? Look! Hindi mo ba nagets? Hindi sapat ang pwersa ng Iranya laban sa Sarangia! Nandoon kay Haring Braun yung isang makapangyarihang sandata! Kailangan na