Ang Paraiso ni Irano Season 2 AiTenshi Aug 12, 2019 Part 56: Natatanging Pangako Matapos kong mapanood ang hologram ni Kiran ay lalong bumuhos ang aking emosyon, wala akong nagawa kundi ang yakapin ang aking sariling tuhod at damhin ang sakit na aking nararamdaman. Hindi ko mauwaan ngunit lumalabas na ang lahat ng ito ginawa niya para sa akin. Mga bagay na hindi ko matanggap lalo't nararamdaman kong wala akong nagawa para sa kanya. Si Kiran, siya ang pinaka matapang at pinaka matalinong taong nakilala ko. Siya ang tumayong gabay ko sa lahat ng pag kakataon, tiyak na hahanap hanapin ko ang kanyang mga payo at sermon sa akin. Tahimik.. Habang nasa ganoong posisyon ako ay muling bumukas ang pinto ay dito ay pumasok si Heneral dala ang aking damit. Purong puti ito na parang prinsipe