MAY ngiti sa mga labi nang magising si Ethan ng araw na 'yon. Maingat siyang bumangon para hindi magising si Sanya mula sa mahimbing nitong pagtulog. Nagsuot muna siya ng makapal na damit at Jagger bago bumaba sa kusina para magluto ng makakain nila ng kasintahan. Hindi talaga niya inaasahan na ang tahimik niyang mundo ay magbabago sa pagdating ni Sanya sa buhay niya. Hindi niya akalain na ang babaeng trespasser ay magiging girlfriend niya ngayon. Dati ginagawa niyang umaga ang gabi at ginagawa niyang gabi ang umaga, ngayon nagbago na lahat. Bumalik sa pagiging normal ang buhay niya. Hindi na big deal sa kanya ang pagkakaroon niya ng XP, dahil alam niya at ramdam niya ang pagmamahal sa kanya ni Sanya. Hinihiling niya na sana hindi na matapos ang lahat ng ito. Nasa gitna siya ng paglulu