"MIMI!" Yugtog sa kama ang nagpamulat kay Sanya nang umagang 'yon. "Hmmm?" "Dada wants to talk to you," si Dos. Pupungas at marahan siyang bumangon kuway naupo. Pagtingin niya sa binata may ngiti itong suot sa mga labi. "Good morning..." "Good morning. Anong gusto mong pag-usapan natin?" "Umh, matagal-tagal na rin na hindi ko nabibisita ang isla. Gusto ko sanang pumunta roon at isama kayo ng mga bata. Gusto ko rin ipakita sa kanila ang isla," anito. "Ganun ba?" matagal-tagal na rin mula noong huling bisita niya sa isla. Nagpupunta siya roon kapag namimiss niya si Ethan. "Okay, walang problema," sagot niya. "Yehey!" Sabay na sigaw ng kambal. "Thank you, Mimi!" si Dos na niyakap siya. "Welcome." "Kailan po tayo pupunta 'dun?" si Uno. "I want to go now, Mimi," si Dos. "Please, pl