DAHIL sa nangyari ng gabing 'yon ay hindi sumabay si Sanya sa umagahan at tangahalian. Sinabi na lang niya na kailangan niyang mag-review sa darating na exam nila. Pero ang totoo ay hindi niya kayang harapin si Ethan. Nagpakaabala siya sa pagbabasa ng libro at binabalikan niya ang mga nagpag-aralan na nila last month. Nakatulong naman iyon para kahit papaano ay mawala ang isip niya kay Ethan. Mula sa binabasa niya ay nabaling ang tingin niya nang bumukas ang pinto ng kwarto niya. Iniluwa ni'yon si Ethan at may bitbit itong tray ng pagkain. Inalis niya ang tingin dito at muling itinuon ang mga mata sa binabasa. "Gumawa si Bianca ng graham cake, pinadalhan ka sa'kin ni Tita Sarah," anito. "Pakilapag na lang dyan. Salamat." Tinuro niya ang bedside table at nilapag naman nito ang tray doo