Malaikah's PoV TAHIMIK si Ma’am Alice habang nasa kusina kaming dalawa. Wala akong alam sa pagluluto kaya naasiwa ako rito. Hindi rin ako mapakali dahil batid kong may itatanong ito sa akin tungkol sa amin ni Angelo. “Pangalawang, beses pa lamang ito na may ipakilala sa aming babae si Ten. Especial ka kung ganoon sa anak ko, iha. Ano nga pala ang pangalan mo?" Napalunok ako sa sinabi nito. "Malaikah Ventura po, ma'am." Kung ganoon ako ang pangalawa at si Klea ang nauna. Hinawakan nito ang kamay ko. “Tita Alice, iha. Tawagin mo akong Tita Alice.” Binitawan din nito ang kamay ko at ngumiti sa akin. “Hindi ka naipakilala sa akin noon ni Angelo noon dahil sobrang busy ng apo kong iyon sa pag-aaral at sa trabaho. Ngunit naikukuwento ka niya sa akin dahil magkasama kayong dalawa sa apartm

