Malaikah’s PoV NAKATINGIN ako sa kisame habang nakahiga ako sa kama namin ni Angelo. Mula kaninang umaga hanggang ngayon ay wala pa rin siyang paramdam sa akin. Hindi ito online sa social media account nito at naka-off pa ang cellphone. Hindi ko naman alam kung sino ang dapat kong lapitan para magtanong kung nasaan ito ngayon sa Zambales. Ayoko naman na istorbohin si Uncle Trex. Pagkatapos ng nangyari kaninang tanghali sa production room pakiramdam ko nawala ako sa aking sarili. Hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin ang init ng mga palad nito sa aking balat. Muntik na niya akong mahalikan kanina mabuti na lang kusa din itong umatras. Ipinikit ko ang aking mga mata. Mukha ni Uncle Trex ang aking nakikita. Ang malapad nitong balikat, ang maugat nitong kamay, at ang magandang hubog ng mu

