Malaikah's PoV NAKAHARAP ako sa salamin at nakatingin sa aking sarili. Nakasuot ako ng isang body-con short sleeve dress na kulay itim na hanggang tuhod ko lang ang haba. May four inches na slit sa kanan at isinuot ko ang white na sneakers ko at iniisip kung ipupusod ko ba ang aking maalon-along buhok na lampas balikat ko lamang ang haba o hahayaan na iyong nakabagsak. Naglagay din ako ng lipstick gamit ang Sky Liptint na ini-endorse ko. Sa huling text sa akin ni Sphere nasa five thousand pieces ng Sky Liptint ang sold. May mga dumirektang kumausap sa Sky Liptint Company para maging re-seller nila at may mga nag-franchise na rin. Natutuwa ako dahil unang subok ko pa lang bilang brand promoter ay may nakapansin na kaagad sa akin. Nasa likod ko naman si Uncle Trex na nagsusuot ng white n

